Mula kay Hudhaifah Bin Al-yaman -Malugod si Allah sa kanya- marfu'an: "Huwag niyong sabihin: Ma sha Allah (Kung ninais ng Allah ay mangyayari) at Sha'...
Ipinagbawal ng Sugo -Sumakanya nawa ang kapayapaan- ang pagsandal ng pangalan ng nilikha sa pangalan ng taga-paglikha sa pamamagitan ng letrang "waw(a...
Ayon kay Maḥmūd bin Labīd (malugod si Allāh sa kanya): {Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi: "Tunay na ang pinakap...
Nagpapabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang higit sa anumang pinangangambahan niya para sa Kalipunan niya ay ang Maliit na...
Ayon kay Abū Dharr (malugod si Allāh sa kanya): {Siya ay nakarinig sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsasabi: "Walang nagpapara...
Nagbigay-babala ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang sinumang nagsabi sa ibang tao: "Ikaw ay suwail" o "Ikaw ay tagatangging sum...
Ayon kay Abe Hurayrah, malugod si Allāh sa kanya-siya ay nagsabi:Nagsabi ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan- "Dalawang bagay sa...
Ipinapaalam niya-pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan-na magpapatuloy sa mga tao ang dalawang uri [ng gawain] mula sa mga gawain ng hindi mananampal...
Ayon kay Abū Marthad Al-Ganawīy (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Huwag kay...
Sumaway ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) laban sa pag-upo sa mga libingan. Sumaway rin siya laban sa pagsasagawa ng ṣalāh paha...

Mula kay Hudhaifah Bin Al-yaman -Malugod si Allah sa kanya- marfu'an: "Huwag niyong sabihin: Ma sha Allah (Kung ninais ng Allah ay mangyayari) at Sha'a Fulaan (Ninais ni Fulaan), subalit ang sabihin niyo: Kung naisin ni Allah pagkatapos naisin ni Fulan"

Ayon kay Maḥmūd bin Labīd (malugod si Allāh sa kanya): {Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi: "Tunay na ang pinakapinangangambahan sa pinangangambahan ko para sa inyo ay ang Maliit na Pagtatambal." Nagsabi sila: "Ano po ang Maliit na Pagtatambal, O Sugo ni Allāh?" Nagsabi siya: "Ang pagpapakitang-tao. Magsasabi si Allāh (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan) sa kanila sa Araw ng Pagbangon kapag gagantihan ang mga tao sa mga gawa nila: Pumunta kayo sa kanila na kayo noon ay nagpapakitang-tao sa Mundo, saka tumingin kayo kung makatatagpo kaya kayo sa piling nila ng isang ganti."}

Ayon kay Abū Dharr (malugod si Allāh sa kanya): {Siya ay nakarinig sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsasabi: "Walang nagpaparatang na isang lalaki sa isang lalaki ng kasuwailan at walang nagpaparatang dito ng kawalang-pananampalataya malibang manunumbalik ito sa kanya, kung ang pinaratangan niya ay hindi naging gayon."}

Ayon kay Abe Hurayrah, malugod si Allāh sa kanya-siya ay nagsabi:Nagsabi ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan- "Dalawang bagay sa mga tao,kung saan dahil sa mga ito sila ay [nananatali sa mga gawin ng] hindi mananampalataya:Paninirang-puri sa pamilya,at panaghoy sa may patay"

Ayon kay Abū Marthad Al-Ganawīy (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Huwag kayong umupo sa mga libingan at huwag kayong magdasal paharap sa mga ito."}

Ayon kay Abu Ṭalḥah (malugod si Allāh sa kanya): {Ayon sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsabi: "Hindi pumapasok ang mga anghel sa isang bahay na sa loob nito ay may aso ni may larawan."}

Ayon kay Abū Hurayrah, malugod si Allāh sa kanya, na nagsabi: Nagsabi ang Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan: "Hindi sumasama ang mga anghel sa mga manlalakbay na may kasamang aso o kalembang."

Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya): {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Darating ang demonyo sa isa sa inyo saka magsasabi ito: 'Sino ang lumikha ng ganito? Sino ang lumikha ng gayon?' hanggang sa magsabi ito: 'Sino ang lumikha sa Panginoon mo?' Kaya kapag umabot ito roon, humiling siya ng pagkupkop kay Allāh at tumigil na."}

Ayon kay Abū Hurayrah, malugod si Allāh sa kanya: "Tunay na si Allāh ay nagsabi: Ang sinumang umaway sa isang tinangkilik para sa Akin ay nagpahayag na Ako sa kanya ng digmaan. Hindi nagpapakalapit sa Akin ang lingkod Ko sa pamamagitan ng anumang higit na kaibig-ibig sa Akin kaysa sa [mga pagsambang] isinatungkulin Ko sa kanya. Hindi titigil ang Lingkod Ko na nagpapakalapit sa Akin sa pamamagitan ng mga kusang-loob na pagsamba hanggang sa ibigin Ko siya. Kaya kapag inibig Ko siya, magiging Ako ang pandinig niya na ipinandidinig niya, ang paningin niya na ipinaniningin niya, ang kamay niya na ipinanghahawak niya at ang paa niya na ipinanlalakad niya. Kung manghihingi siya sa Akin, talagang bibigyan Ko nga siya. Talagang kung magpapakupkop siya sa Akin, talagang kukupkupin Ko nga siya. Hindi Ako nag-aatubili sa isang bagay na Ako ay gumagawa nito gaya ng pag-aatubili Ko sa [pagbawi sa] kaluluwa ng mananampalataya samantalang nasusuklam siya sa kamatayan at Ako naman ay nasusuklam sa pag-inis sa kanya."

Ayon kay Al-`Irbāḍ bin Sāriyah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Tumayo sa amin ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) isang araw, saka nangaral siya sa amin ng isang marubdob na pangaral na nasindak dito ang mga puso at lumuha dahil dito ang mga mata. Kaya sinabi: "O Sugo ni Allāh, nangaral ka po sa amin ng isang pangaral ng isang namamaalam, kaya maghabilin ka po sa amin ng isang habilin." Kaya nagsabi siya: "Manatili kayo ng pangingilag magkasala kay Allāh at pagdinig at pagtalima [sa pinuno], kahit pa siya ay isang aliping Etyope. Makakikita kayo matapos ko ng isang matinding pagkakaiba-iba. Kaya manatili kayo sa Sunnah ko at Sunnah ng mga Matinong Napatnubayang Khalīfah. Kumagat kayo rito ng mga bagang ninyo. Kaingat kayo sa mga bagay-bagay na pinauso sapagkat tunay na ang bawat bid`ah ay kaligawan."}

Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya): {Ayon sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsabi: "Ang sinumang naghimagsik laban sa pagtalima at nakipaghiwalay sa komunidad saka namatay, namatay siya sa pagkamatay na pangmangmang. Ang sinumang nakipaglaban sa ilalim ng pangmakabulag na watawat: nagagalit dahil sa bulag na pagkamakalahi o nagtataguyod para sa lipi o nag-aadya sa lipi saka napatay, pagkamatay na pangmangmang ito. Ang sinumang naghimagsik sa Kalipunan ko: nananaga ng mabuting-loob nito at masamang-loob nito at hindi nangingimi sa mananampalataya nito at hindi tumutupad sa may kasunduan sa kasunduan dito, hindi siya kabilang sa akin at hindi ako kabilang sa kanya."}

Ayon kay Ma`qil bin Yasār Al-Muznīy (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Tunay na ako ay nakarinig sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsasabi: "Walang anumang tao na pinamamahala ni Allāh sa nasasakupan, na mamamatay sa araw na mamamatay siya habang siya ay nandaraya sa pinamamahalaan niya malibang magbabawal si Allāh sa kanya ng Paraiso."}