- Ang bantang ito ay hindi natatangi sa kataas-taasang pinuno at mga kinatawan niya; bagkus ito ay pangkalahatan sa bawat sinumang pinamahala ni Allāh ng nasasakupan.
- Ang kinakailangan sa bawat sinumang namahala ng anuman sa nauukol sa mga Muslim na magpakatapat sa kanila, na magsumikap sa pagganap ng ipinagkatiwalang tungkulin, at na mag-ingat laban sa kataksilan.
- Ang bigat ng pananagutan ng bawat sinumang namamahala sa nasasakupang pampubliko o pampribado, na malaki o maliit.