Ayon kay `Abdullāh bin Mas`ūd (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagtanong ako sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) kung al...
Tinanong ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) tungkol sa pinakamabigat sa mga pagkakasala kaya nagsabi siya: Ang pinakamabigat sa mga i...
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Nagsabi si Allāh (n...
Nagpapabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na si Allāh (napakamapagpala Siya at napakataas) ay nagsabi na Siya ay ang pinakawala...
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya): {Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi: "Ang buong Kalipunan ko ay...
Nagpapabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang buong Kalipunan niya ay papasok sa Paraiso maliban sa tumanggi.
Kaya nagsab...
Ayon kay `Umar bin Al-Khaṭṭāb (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nakarinig ako sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsasab...
Sumasaway ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) laban sa pagpapalabis at paglampas sa legal na hangganan sa pagbubunyi sa kanya at pagla...
Ayon kay Anas (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Hindi sumasampalataya ang isa sa...
Nagpapabatid sa atin ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang Muslim ay hindi nagiging lubos ang pananampalataya hanggang sa m...
Ayon kay `Abdullāh bin Mas`ūd (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagtanong ako sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) kung aling pagkakasala ang pinakamabigat sa ganang kay Allāh. Nagsabi siya: "Na gumawa ka para kay Allāh ng isang kaagaw samantalang Siya ay lumikha sa iyo." Nagsabi ako: "Tunay na iyon ay talagang mabigat." Nagsabi ako: "Pagkatapos alin po?" Nagsabi siya: "Na pumatay ka ng anak mo; nangangamba ka na kakain siya kasama mo." Nagsabi ako: "Pagkatapos alin po?" Nagsabi siya: "Na makipangalunya ka sa ginang ng kapit-bahay mo."}
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Nagsabi si Allāh (napakamapagpala Siya at napakataas): Ako ay ang pinakawalang-pangangailangan sa mga katambal sa pagtatambal. Ang sinumang gumawa ng isang gawa na nagtambal siya rito kasama sa Akin ng iba pa sa Akin, mag-iiwan Ako sa kanya kasama ng pagtatambal niya."}
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya): {Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi: "Ang buong Kalipunan ko ay papasok sa Paraiso, maliban sa sinumang tumanggi." Nagsabi sila: "O Sugo ni Allāh, at sino po ang tatanggi?" Nagsabi siya: "Ang sinumang tumalima sa akin ay papasok sa Paraiso at ang sinumang sumuway sa akin ay tumanggi nga."}
Ayon kay `Umar bin Al-Khaṭṭāb (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nakarinig ako sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsasabi: "Huwag kayong magpalabis sa pagpuri sa akin, gaya ng pagpapalabis sa pagpuri ng mga Kristiyano sa Anak ni Maria, sapagkat ako lamang ay alipin Niya. Kaya sabihin ninyo: Ang Alipin ni Allāh at ang Sugo Niya."}
Ayon kay Anas (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Hindi sumasampalataya ang isa sa inyo hanggang sa ako ay maging higit na iniibig sa kanya kaysa sa magulang niya, anak niya, at mga tao sa kalahatan."}
Abū Hurayrah, malugod si Allāh sa kanya: "Tantanan ninyo ako sa pag-uusisa ninyo. Nalipol lamang ang mga nauna sa inyo ng dalas ng pagtatanong nila at pakikipagbangayan nila sa mga propeta nila tungkol sa anuman kaya iwasan ninyo iyon. Kapag inutusan ko kayo ng isang utos ay gawin ninyo mula roon ang makakaya ninyo."
Ayon kay `Abdullāh bin `Amr (malugod si Allāh sa kanilang dalawa) na nagsabi: {Nagsabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Magpaabot kayo tungkol sa akin kahit pa isang talata [ng Qur'ān]. Magsanaysay kayo tungkol sa mga anak ni Israel at walang pagkaasiwa. Ang sinumang nagsinungaling laban sa akin nang nananadya, lumuklok siya sa upuan niya mula sa Impiyerno."}
Ayon kay Al-Miqdām bin Ma`dīkarib (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Pansinin, nalalapit na may isang lalaking aabot sa kanya ang ḥadīth tungkol sa akin habang siya ay nakasandal sa sopa niya saka magsasabi siya: 'Sa pagitan namin at ninyo ay Aklat ni Allāh, kaya ang anumang natagpuan namin dito bilang ipinahihintulot ay magsasapahintulot kami at ang anumang natagpuan dito bilang ipinagbabawal ay magsasabawal kami nito.' Tunay na ang anumang ipinagbawal ng Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay gaya ng ipinagbawal ni Allāh."}
Ayon kina `Ā'ishah at `Abdullāh bin `Abbās (malugod si Allāh sa kanilang dalawa) na nagsasabi: {Noong bumaba ang paghihingalo sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), nagsimula siyang nagtatakip ng isang tela niya sa mukha niya. Kapag naghabol siya ng hininga dahil dito, nag-aalis siya nito sa mukha niya; saka nagsabi siya habang siya ay ganoon: "Ang sumpa ni Allāh ay sa mga Hudyo at mga Kristiyano. Gumawa sila sa mga libingan ng mga propeta nila bilang mga sambahan." Nagbibigay-babala siya sa ginawa nila.}
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya): {Ayon sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "O Allāh, huwag Mong gawin ang libingan ko bilang isang diyus-diyusan." Sumumpa si Allāh sa mga taong gumawa sa mga libingan ng mga propeta nila bilang mga sambahan.}
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Huwag kayong gumawa sa mga bahay ninyo bilang mga libingan at huwag kayong gumawa sa libingan ko bilang pistahan. Dumalangin kayo ng basbas sa akin sapagkat tunay na ang pagdalangin ninyo ng basbas ay umaabot sa akin saan man kayo naroon."}
Ayon kay `Ā'ishah na Ina ng mga mananampalataya (malugod si Allāh sa kanya): {Si Umm Salamah ay bumanggit sa Sugo ni Allāh (basbasan ito ni Allāh at pangalagaan) ng isang simbahang nakita niya sa lupain ng Etyopya, na tinatawag na Māriyah, saka bumanggit siya rito ng nakita niya sa loob niyon na mga larawan. Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan ito ni Allāh at pangalagaan): "Ang mga iyon ay mga taong kapag namatay sa kanila ang maayos na lingkod o ang maayos na lalaki, nagpapatayo sila sa ibabaw ng libingan nito ng isang sambahan at nagsasalarawan sila rito ng mga larawang iyon. Ang mga iyon ay ang pinakamasasama sa mga nilikha sa ganang kay Allāh."}