- Ang pagkakinakailangan ng pag-ibig sa Sugo (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) at pag-uuna nito higit sa pag-ibig sa bawat nilikha.
- Bahagi ng tanda ng kalubusan ng pag-ibig ang pag-aadya sa Sunnah ng Sugo ni Allāh at ang pagkakaloob ng sarili at yaman alang-alang doon.
- Ang pag-ibig sa Sugo (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay humihiling ng pagtalima sa kanya sa ipinag-utos niya, paniniwala sa ipinabatid niya, pag-iwas sa sinaway niya at sinawata, pagsunod sa kanya, at pagwaksi sa mga bid`ah.
- Ang karapatan ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay higit na dakila at higit na binibigyang-diin kaysa sa lahat ng mga tao dahil ito ay naging isang kadahilanan sa kapatnubayan natin mula sa kaligawan, pagpapasagip natin mula sa Impiyerno, at pagtamo ng Paraiso.