Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya): {Ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi: "Ang tao ay natatangay ng relihiy...
Naglinaw ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang tao ay nakikiwangis sa kaibigan niya at kasamahan niyang dalisay sa pamumuhay nito...
Ayon kay Tamem Adda`rie-malugod si Allah sa kanya-ay nagsabi;Narinig ko ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan- na nagsasabi; (( Tun...
Ipinapaalam ng Sugo ni Allah pagpalain siya ni Allah at pangalagaan na ang relihiyong ito ay lalaganap sa buong bahagi ng Mundo,Sa kahit saang lugar n...
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya): {Ayon sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsabi: "Sumpa man sa Kanya na...
Sumusumpa ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) kay Allāh na walang nakaririnig hinggil sa kanya na isa mula sa kalipunang ito, na isang...
Ayon kay `Abdullāh bin `Abbās, malugod si Allah sa kanya.-siya ay nagsabi: Sinabi ng Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-:"Iwasan nin...
Ipinagbawal sa atin ng Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-sa Hadith na ito ang pagmamalabis sa Relihiyon,ito ang paglampas sa limitasyon n...
Ayon kay `Abdullāh bin Mas`ūd (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Napaham...
Nagpapabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) tungkol sa kabiguan at kalugihan ng mga nagpapakatindi – sa iba pa sa patnubay at kaa...
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya): {Ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi: "Ang tao ay natatangay ng relihiyon ng matalik na kaibigan niya kaya tumingin ang isa sa inyo sa kung kanino siya matalik na nakikipagkaibigan."}
Ayon kay Tamem Adda`rie-malugod si Allah sa kanya-ay nagsabi;Narinig ko ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan- na nagsasabi; (( Tunay na lalaganap ang kautusang ito,tulad nang paglaganap ng gabi at araw,at hindi iiwanan ni Allah ang mga bahay sa Lungsod at mga bahay sa disyerto maliban sa ipapasok ni Allah sa Relihiyong ito,na may Karangalan na napakarangal o kahihiyan na kasuklam-suklam,Karangalan na ipaparangal ni Allah rito ang Islam,at Kahihiyan na kasusuklaman rito ni Allah ang walang pananampalataya.)) At si Tameem Adda`rie ay nagsasabi; Napag-alaman kona ito sa mga nananahanan sa aking bahay,Tunay na sinumang yumakap sa Islam na dumanas nang kabutihan,mataas na reputasyon at karangalan,at tunay na sinumang natanggi sa pananampalataya na dumanas nang Kahihiyan at pagkaliit at pagbayad ng buwis.
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya): {Ayon sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsabi: "Sumpa man sa Kanya na ang kaluluwa ni Muḥammad ay nasa kamay Niya, walang nakaririnig hinggil sa akin na isa mula sa kalipunang ito na isang Hudyo ni isang Kristiyano, pagkatapos namatay iyon habang hindi sumampalataya sa ipinasugo sa akin, malibang iyon ay magiging kabilang sa mga maninirahan sa Impiyerno."}
Ayon kay `Abdullāh bin `Abbās, malugod si Allah sa kanya.-siya ay nagsabi: Sinabi ng Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-:"Iwasan ninyo ang pagmamalabis;Sapagkat kaya nasawi ang mga nauna sa inyo ay dahil sa pagmamalabis"
Ayon kay `Abdullāh bin Mas`ūd (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Napahamak ang mga nagpapakasukdulan!" Nagsabi siya nito nang tatlong ulit.}
Ayon kay `Abdullāh bin `Amr bin Al-`Āṣṣ (malugod si Allāh sa kanilang dalawa) na nagsabi: {Nakarinig ako sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsasabi: "Sumulat si Allāh ng mga itinakda sa mga nilikha limampung libong taon bago Niya nilikha ang mga langit at ang lupa." Nagsabi Siya: At ang trono Niya ay nasa ibabaw ng tubig.}
Ayon kay `Abdullāh Bin Mas`ūd (malugod si Allāh sa kanya): {Nagsanaysay sa amin ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) – at siya ang nagtototoo at ang pinatotohanan: "Tunay na ang paglikha sa [bawat] isa sa inyo ay tinitipon sa tiyan ng ina niya nang apatnapung araw at apatnapung gabi. Pagkatapos siya ay magiging isang malalinta [sa yugtong] tulad niyon. Pagkatapos siya ay magiging isang kimpal na laman [sa yugtong] tulad niyon. Pagkatapos ipadadala sa kanya ang anghel saka papayagan ito ng apat na pangungusap [ng pagtatakda], kaya magsusulat ito ng panustos sa kanya, taning niya, gawain niya, at pagiging miserable o maligaya. Pagkatapos iihip ito sa kanya ng espiritu. Tunay na ang [bawat] isa sa inyo ay talagang gagawa ayon sa gawain ng mga maninirahan sa Paraiso hanggang sa walang maging nasa pagitan nito at niya kundi isang siko, ngunit makauuna naman sa kanya ang nakasulat, kaya gagawa siya ayon sa gawain ng mga maninirahan sa Impiyerno, kaya papasok siya sa Impiyerno. Tunay na ang [bawat] isa sa inyo ay talagang gagawa ayon sa gawain ng mga maninirahan sa Impiyerno hanggang sa walang maging nasa pagitan nito at niya kundi isang siko, ngunit makauuna sa kanya ang nakasulat, kaya gagawa siya ayon sa gawain ng mga maninirahan sa Paraiso kaya papasok siya roon."}
Ayon sa Anak ni Mas`ūd (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ang Paraiso ay higit na malapit sa [bawat] isa sa inyo kaysa sa panali ng sandalyas niya at ang Impiyerno ay tulad niyon."}
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya): {Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi: "Tinabingan ang Impiyerno ng mga pinipithaya at tinabingan ang Paraiso ng mga kinasusuklaman."}
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya), ayon sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsabi: {Noong nilikha ni Allāh ang Paraiso at ang Impiyerno, isinugo Niya si [Anghel] Gabriel (sumakanya ang pangangalaga) sa Paraiso saka nagsabi Siya: "Tumingin ka roon at sa inihanda Ko para sa mga maninirahan doon." Kaya naman tumingin ito roon saka bumalik ito saka nagsabi ito: "Sumpa man sa kapangyarihan Mo, walang makaririnig hinggil doon na isa man malibang papasok doon." Kaya nag-utos Siya hinggil doon saka pinaligiran iyon ng mga pahirap saka nagsabi Siya: "Pumunta ka roon saka tumingin ka roon at sa inihanda Ko para sa mga maninirahan doon." Kaya tumingin ito roon saka walang anu-ano iyon ay pinaligiran na ng mga pahirap saka nagsabi ito: "Sumpa man sa kapangyarihan Mo, talaga ngang natakot ako na walang makapasok doon na isa man." Nagsabi Siya: "Pumunta ka saka tumingin ka sa Impiyerno at sa inihanda Ko para sa mga maninirahan doon." Kaya tumingin ito roon saka walang anu-ano pumapatong ang isa sa bahagi [ng apoy] niyon sa isa pang bahagi kaya bumalik ito saka nagsabi ito: "Sumpa man sa kapangyarihan Mo, walang papasok doon na isa man." Kaya nag-utos Siya hinggil doon saka pinaligiran iyon ng mga ninanasa saka nagsabi Siya: "Bumalik ka roon saka tumingin ka roon." Kaya tumingin ito roon saka walang anu-ano iyon ay pinaligiran ng mga ninanasa kaya bumalik ito at nagsabi ito: "Sumpa man sa kapangyarihan Mo, talaga ngang natakot ako na walang makaligtas mula roon na isa man malibang papasok doon."}
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya): {Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi: "Ang apoy ninyo ay isang bahagi mula sa pitumpung bahagi ng apoy ng Impiyerno." Sinabi: "O Sugo ni Allāh, tunay na ito ay naging talagang nakasasapat." Nagsabi siya: "Pinalamang iyon higit sa mga iyan ng animanpu't siyam na bahagi, na ang bawat isa sa mga iyan ay tulad ng init nito."}
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa tiyuhin niya: "Magsabi ka na walang Diyos kundi si Allāh, sasaksi ako para sa iyo sa pamamagitan niyan sa Araw ng Pagbangon." Nagsabi ito: "Kung sakaling hindi mamintas sa akin ang Quraysh, na magsasabi: 'Nagtulak lamang sa kanya roon ang pagkaligalig,' ay talagang magpapagalak ako sa pamamagitan niyan sa mata mo." Kaya nagpababa si Allāh (Qur'ān 28:56): {Tunay na ikaw ay hindi pumapatnubay sa sinumang inibig mo, subalit si Allāh ay pumapatnubay sa sinumang niloloob Niya.}