Ayon kay `Abdullāh bin Umar, malugod si Allah sa kanya, na nagsabi: Tinanong ang Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, tungkol sa tub...
Nililinaw ng Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, na ang tubig na marami ay hindi narurumihan sa payak ng pagkakadiit nito sa karumihan ku...
Ayon kay Abē Ayyūb Al-Ansārī, malugod si Allah sa kanya-"Kapag pumunta kayo s palikuran,huwag kayong humarap sa Qiblah sa pagdumi at sa pag-ihi,at huw...
Nagpatnubay ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-mula sa mga bagay na may magandang pag-uugali sa pagpunta sa palikuran, Na huwag silang...
Ayon kay Abē Qatādah Al-Anṣārīy, malugod si Allah sa kanya.Hadith na Marfu: "Huwag na huwag hawakan ng isa sa inyo ang ari nito sa kanang kamay niya k...
Ipinag-uutos ng Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-sa muslim na huwag hawakan ang ari nito sa pag-ihi,at huwag magtanggal ng dumi sa harap...
Ayon kay Abe Hurayrah-malugod si Allah sa kanya-Hadith na Marfu: ((Kapag nagising ang isa sa inyo mula sa pagtulog niya at nagsagawa ng wudhu,suminga...
Ipinapaalam ni Abū Hurayrah, malugod si Allah sa kanya.-na ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ay nagsabi :"Kapag nagising ang isa sa i...
Ayon kay Anas (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Ang Propeta noon (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay naghuhugas o siya noon ay naliligo...
Ang Propeta noon (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay naliligo mula sa janābah sa pamamagitan ng isang ṣā` hanggang sa limang mudd at nagsasaga...
Ayon kay `Abdullāh bin Umar, malugod si Allah sa kanya, na nagsabi: Tinanong ang Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, tungkol sa tubig at anumang uminom dito na mga hayop na maaamo at mababangis kaya nagsabi siya: "Kapag ang tubig ay dalawang qullah, hindi ito tatalaban ng karumihan." [Ang Tagapagsalin: Ang dalawang qullah ay katumbas ng isang bariles o isang dram.]
Ayon kay Abē Ayyūb Al-Ansārī, malugod si Allah sa kanya-"Kapag pumunta kayo s palikuran,huwag kayong humarap sa Qiblah sa pagdumi at sa pag-ihi,at huwag kayong tumalikod dito,subalit humarap kayo sa silangan o sa kanluran" Nagsabi si Abū Ayyūb: (( Dumating kami sa Shām,at natagpuan namin rito ang mga palikuran na itinayo,na nakaharap sa Ka'bah,Kami ay lumilihis mula rito, at humihingi kami ng kapatawaran sa Allah-kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan))
Ayon kay Abē Qatādah Al-Anṣārīy, malugod si Allah sa kanya.Hadith na Marfu: "Huwag na huwag hawakan ng isa sa inyo ang ari nito sa kanang kamay niya kapag siya ay umiihi,at huwag magpunas [ng bato o papel] kapag nasa palikuran nang kanang kamay,at huwag huminga sa lalagyan ng tubig"
Ayon kay Abe Hurayrah-malugod si Allah sa kanya-Hadith na Marfu: ((Kapag nagising ang isa sa inyo mula sa pagtulog niya at nagsagawa ng wudhu,suminga ito ng tatlong beses,sapagkat si satanas ay natutulog sa loob ng ilong niya))
Ayon kay Anas (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Ang Propeta noon (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay naghuhugas o siya noon ay naliligo sa pamamagitan ng isang ṣā` hanggang sa limang mudd at nagsasagawa ng wuḍū' sa pamamagitan ng isang mudd.}
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya): {Ayon sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsabi: "Hindi tumatanggap si Allāh ng ṣalāh ng isa sa inyo kapag naparumi siya [ng pagdumi o pag-ihi] hanggang sa makapagsagawa siya ng wuḍū'."}
Ayon kay `Umar bin Al-Khaṭṭāb, malugod si Allah sa kanya-na ang isang lalaki ay nagsagawa ng wudhu,naiwan niya ang kinalalagyan ng kuko niya sa paa niya,nakita ito ng Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-at kanyang sinabi: ((Bumalik ka,at pagbutihin mo ang pagsasagawa mo ng wudhu)),inulit niya ito, pagkatapos ay nagdasal siya.
Ayon kay `Abdullāh bin `Amr (malugod si Allāh sa kanilang dalawa) na nagsabi: {Bumalik kami kasama ng Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa Madīnah mula sa Makkah. Hanggang sa nang kami ay nasa isang tubigan sa daan, nagmadali ang mga tao sa sandali ng [ṣalāh sa] hapon. Nagsagawa sila ng wuḍū' habang sila ay nagmamadali, saka nakarating kami sa kanila samantalang ang mga sakong nila ay nangingintab na hindi nasaling ng tubig. Kaya nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Kapighatian sa mga sakong mula sa Impiyerno. Lubus-lubusin ninyo ang pagsasagawa ng wuḍū'."}
Ayon kay `Amr bin `Āmir, ayon kay Anas bin Mālik na nagsabi: {Ang Propeta noon (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsasagawa ng wuḍū' sa sandali ng bawat ṣalāh. Nagsabi ako: "Papaano kayo noon nagsasagawa?" Nagsabi siya: "Nagkakasya sa isa sa amin ang [isinagawang] wuḍū' hanggat hindi siya nakasira nito."}
Ayon sa Anak ni `Abbās (malugod si Allāh sa kanilang dalawa) na nagsabi: {Nagsagawa ng wuḍū' ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) nang tig-iisang ulit [na paghuhugas].}
Ayon kay `Abdullāh bin Zayd (malugod si Allāh sa kanya): {Ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsagawa ng wuḍū' nang tigdadalawang ulit.}
Ayon kay Ḥumrān na alila ni `Uthmān bin `Affān: {Siya ay nakakita kay `Uthmān bin `Affān na nanawagan ng tubig ng wuḍū', saka nagbuhos siya sa mga kamay niya mula sa lalagyan nito, saka naghugas siya ng mga ito nang tatlong ulit. Pagkatapos nagpasok siya ng kanang kamay niya sa tubig ng wuḍū'. Pagkatapos nagmumog siya at suminghot siya [ng tubig] at suminga. Pagkatapos naghugas siya ng mukha niya nang tatlong ulit at ng mga kamay niya hanggang sa siko nang tatlong ulit. Pagkatapos nagpahid siya sa ulo niya. Pagkatapos naghugas siya ng bawat paa nang tatlong ulit. Pagkatapos nagsabi siya: "Nakakita ako sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsagawa ng wuḍū' tulad ng wuḍū' kong ito." Nagsabi pa siya: "Ang sinumang nagsagawa ng wuḍū' tulad ng wuḍū' kong ito pagkatapos nagdasal siya ng dalawang rak`ah nang hindi kumakausap sa dalawang ito sa sarili niya, magpapatawad si Allāh sa kanya sa nauna sa pagkakasala niya."}