Ayon kay `Ā'ishah (malugod si Allāh sa kanya): {Si Fāṭimah bint Abī Ḥubaysh ay nagtanong sa Propeta (basbasan ito ni Allāh at pangalagaan). Nagsa...
Tinanong ni Fāṭimah bint Abī Ḥubaysh ang Propeta (basbasan ito ni Allāh at pangalagaan) sapagkat nagsabi siya: "Tunay na ako ay hindi hinihintuan...
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Kapag nakaramdam an...
Naglinaw ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na kapag may nagpapabalik-balik na anuman sa tiyan ng tagapagsagawa ng ṣalāh ngunit nak...
Ayon kay Abu Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Tunay na ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi: "Kapag u...
Nag-utos ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ng paghuhugas ng lalagyan nang pitong ulit kapag nagpasok dito ang aso ng dila nito, na a...
Ayon kay `Umar bin Al-Khaṭṭāb (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Kapag na...
Ang adhān ay ang pagpapahayag sa mga tao ng pagsapit ng oras ng ṣalāh. Ang mga pangungusap ng adhān ay mga pangungusap na sumasaklaw sa paniniwala...
Ayon kay `Abdullāh bin `Amr bin Al-`Āṣṣ (malugod si Allāh sa kanilang dalawa): {Siya ay nakarinig sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaa...
Gumabay ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang sinumang nakarinig sa mu'adhdhin para sa ṣalāh, na mag-ulit-ulit siya matapos nit...
Ayon kay `Ā'ishah (malugod si Allāh sa kanya): {Si Fāṭimah bint Abī Ḥubaysh ay nagtanong sa Propeta (basbasan ito ni Allāh at pangalagaan). Nagsabi ito: "Tunay na ako ay nagdurugo kaya hindi ako nadadalisay. Kaya titigil po ba ako sa pagdarasal?" Nagsabi siya: "Hindi; tunay na iyon ay [pagdurugo ng] isang ugat subalit tumigil ka sa pagdarasal ayon sa mga araw na ikaw dati ay nagreregla sa mga iyon, pagkatapos maligo ka at magdasal ka."}
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Kapag nakaramdam ang isa sa inyo sa tiyan niya ng anuman saka nagpasuliranin sa kanya kung may lumabas ba mula sa kanya na anuman o wala, huwag nga siyang lalabas mula sa masjid hanggang sa makarinig siya ng isang tunog o makatagpo ng isang amoy."}
Ayon kay Abu Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Tunay na ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi: "Kapag uminom ang aso sa lalagyan ng isa sa inyo, hugasan niya ito nang pitong ulit."}
Ayon kay `Umar bin Al-Khaṭṭāb (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Kapag nagsabi ang mu`adhdhin ng: Allāhu akbar, Allāhu akbar (Si Allāh ay pinakadakila, si Allāh ay pinakadakila.) saka nagsabi naman ang isa sa inyo ng: Allāhu akbar, Allāhu akbar; pagkatapos [kapag] nagsabi ng: Ashhadu an lā ilāha illa –llāh (Sumasaksi ako na walang Diyos kundi si Allāh) [saka] nagsabi naman siya ng: Ashhadu an lā ilāha illa –llāh; pagkatapos [kapag] nagsabi ng: Ashhadu anna Muḥammadar rasūlu –llāh (Sumasaksi ako na si Muḥammad ay Sugo ni Allāh) [saka] nagsabi naman siya ng: Ashhadu anna Muḥammadar rasūlu –llāh; pagkatapos [kapag] nagsabi ng: Ḥayya `ala –ṣṣalāh (Halina sa ṣalāh) [saka] nagsabi naman siya ng: Lā ḥawla walā qūwata illā bi-llāh (Walang pagpapakilos at walang lakas kundi sa pamamagitan ni Allāh); pagkatapos [kapag] nagsabi ng: Ḥayya `ala –falāḥ (Halina sa tagumpay) [saka] nagsabi naman siya ng: Lā ḥawla walā qūwata illā bi-llāh (Walang pagpapakilos at walang lakas kundi sa pamamagitan ni Allāh); pagkatapos [kapag] nagsabi ng: Allāhu akbar, Allāhu akbar [saka] nagsabi naman siya ng: Allāhu akbar, Allāhu akbar; pagkatapos [kapag] nagsabi ng: lā ilāha illa –llāh [saka] nagsabi naman siya ng: lā ilāha illa –llāh, matapos niyon; papasok siya sa Paraiso."}
Ayon kay `Abdullāh bin `Amr bin Al-`Āṣṣ (malugod si Allāh sa kanilang dalawa): {Siya ay nakarinig sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsasabi: "Kapag nakarinig kayo ng [adhān ng] mu'adhdhin, magsabi kayo ng tulad ng sinasabi niya. Pagkatapos dumalangin kayo ng basbas para sa akin sapagkat tunay na ang sinumang dumalangin para sa akin ng isang basbas, magbabasbas si Allāh sa kanya dahil doon ng sampung [basbas]. Pagkatapos hilingin ninyo kay Allāh para sa akin ang Kaparaanan sapagkat tunay na ito ay isang katayuan sa Paraiso, na hindi nararapat kundi para sa isang lingkod kabilang sa mga lingkod ni Allāh. Umaasa ako na ako ay maging siya; sapagkat ang sinumang humiling para sa akin ng Kaparaanan, mauukol para sa kanya ang Pamamagitan."}
Ayon kay Jābir bin `Abdillāh (malugod si Allāh sa kanilang dalawa): {Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi: "Ang sinumang nagsabi, kapag naririnig niya ang panawagan, ng: Allāhumma rabba hādhihi -dda`wati -ttāmmāti wa-ṣṣalāti -lqā’imah, āti muḥammadani -lwasīlata wa-lfaḍīlah, wa-b`athhu maqāmam maḥmūdani -lladhī wa`attahu (O Allāh, ang Panginoon nitong panawagang lubos at ṣalāh na isasagawa, ibigay Mo kay Muḥammad ang kaparaanan at ang kalamangan at buhayin Mo siya sa katayuang pinapupurihan, na ipinangako Mo), dadapo sa kanya ang Pamamagitan ko sa Araw ng Pagbangon."}
Ayon kay Anas bin Malik-malugod si Allah sa kanya-buhat sa Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-;(( Ang pananalangin sa pagitan ng Azan at Iqamah ay hindi natatanggian)),(( Ang pananalangin sa pagitan ng Azan at Iqamah ay hindi natatanggian))
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {May pumunta sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na isang lalaking bulag saka nagsabi ito: "O Sugo ni Allāh, tunay na wala akong isang tagaakay na aakay sa akin patungo sa masjid." Kaya humiling ito sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na magpahintulot siya rito para magdasal ito sa bahay nito. Kaya nagpahintulot siya rito ngunit noong nakalisan ito ay tinawag niya ito saka nagsabi siya: "Naririnig mo ba ang panawagan sa pagdarasal?" Nagsabi ito: "Opo." Nagsabi siya: "Kaya tugunin mo."}
Mula kay Jabeer (malugod si Allah sa kanya) na nagsabi: na nagsabi: Nagsabi ang Sugo ni Allah (pagpalain siya ni Allah at pangalagaan): ((Ang katulad ng limang beses na salah ay katulad ng malaking sapah na umaagos sa harap ng pintuan ng isa sa inyo at maliligo siya dito ng limang beses sa isang araw)). At ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allah sa kanya) na nagsabi: Narinig ko ang Sugo ng Allah nagsabi: ((Nakita niyo ba kapag ang sapa ay nasa harap ng pintuan ng isa sa inyo at maliligo siya dito ng limang beses sa isang araw mayroon pa kayang matitira na dumi sa kanya?)) Sabi nila: Wala ng dumi matitira sa kanya. Sabi niya: ((Ganon din ang katulad ng limang salah ay kanyang buburahin ang mga kasalanan)).
Ayon kay Abdullāh bin Mas`ūd, malugod si Allah sa kanya-siya ay nagsabi: (( Tinanong ko ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-: Alin sa mga gawain ang kaibig-ibig para kay Allah? Nagsabi siya: Ang pagdarasal sa oras nito,Sinabi ko: Pagkatapos ay ano? Nagsabi siya: Ang pagiging mabuti sa mga magulang,Sinabi ko: Pagkatapos ay ano? Nagsabi siya: Ang pakikibaka sa landas ni Allah. Nagsabi siya: Sinabi sa akin ito ng Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-at kung hiniling ko lang na dagdagan pa niya ako,tunay na magdadagdag pa siya sa akin)
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya): {Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsasabi: "Ang limang dasal, ang Biyernes hanggang sa Biyernes, at ang Ramaḍān hanggang sa Ramaḍān ay mga tagatakip-sala sa pagitan ng mga ito kapag umiwas sa malalaking kasalanan."}
Mula kay Amr Bin Shu'ayb, mula sa kanyang tatay, mula sa kanyang lolo -Malugod si Allah sa kanya- ay nagsabi: Nagsabi ang Sugo ni Allah -pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-: ((Utusan niyo ang inyong mga anak na mag-salah (magdasal) nang sila ay pitong taong gulang, at hampasin niyo sila alang-alang sa salah, nang sila ay sampung taong gulang, at hiwalayin niyo ang pagitan nila sa tulugan)). At mula kay Abu Thariyah Sabrah Bin Ma'bad Al-juhaniy -Malugod si Allah sa kanya- ay nagsabi: Nagsabi ang Sugo ni Allah -pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-: ((Turuan niyo ang bata ng pagsa-salah (pagdadasal) sa edad na pitong taong gulang, at hampasin niyo siya alang-alang sa salah sa edad na sampung taong gulang)). At ang salita ni Abu Dawud: ((Utusan niyo ang bata ng pagsa-salah (pagdadasal) kapag sila ay umabot ng pitong taong gulang)).