/ Utusan niyo ang inyong mga anak na mag-salah (magdasal) nang sila ay pitong taong gulang, at hampasin niyo sila alang-alang sa salah, nang sila ay sampung taong gulang, at hiwalayin niyo ang pagitan nila sa tulugan.

Utusan niyo ang inyong mga anak na mag-salah (magdasal) nang sila ay pitong taong gulang, at hampasin niyo sila alang-alang sa salah, nang sila ay sampung taong gulang, at hiwalayin niyo ang pagitan nila sa tulugan.

Mula kay Amr Bin Shu'ayb, mula sa kanyang tatay, mula sa kanyang lolo -Malugod si Allah sa kanya- ay nagsabi: Nagsabi ang Sugo ni Allah -pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-: ((Utusan niyo ang inyong mga anak na mag-salah (magdasal) nang sila ay pitong taong gulang, at hampasin niyo sila alang-alang sa salah, nang sila ay sampung taong gulang, at hiwalayin niyo ang pagitan nila sa tulugan)). At mula kay Abu Thariyah Sabrah Bin Ma'bad Al-juhaniy -Malugod si Allah sa kanya- ay nagsabi: Nagsabi ang Sugo ni Allah -pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-: ((Turuan niyo ang bata ng pagsa-salah (pagdadasal) sa edad na pitong taong gulang, at hampasin niyo siya alang-alang sa salah sa edad na sampung taong gulang)). At ang salita ni Abu Dawud: ((Utusan niyo ang bata ng pagsa-salah (pagdadasal) kapag sila ay umabot ng pitong taong gulang)).
Isinaysay ito ni At-Tirmidhīy - Isinaysay ito ni Imām Abū Dāwud

Ang pagpapaliwanag

Turuan niyo ang inyong mga anak lalaki at babae ng pagsasalah (pagdadasal) at utusan niyo sila kapag nakumpleto nila ang pitong taon na edad, at hampasin niyo sila alang-alang sa pag-sagawa sa kanya kung sila ay iiwas sa edad na sampu, at paghiwalayin niyo ang pagitan nila sa tulugan".