- Ang pagkaisinasabatas ng panalanging ito matapos ng pagkatapos ng pag-uulit-ulit matapos ng mu'adhdhin. Ang sinumang hindi nakarinig ng adhān, tunay na siya ay hindi magsasabi nito.
- Ang kalamangan ng Sugo (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay yayamang ibinigay sa kanya ang kaparaanan, ang kalamangan, ang katayuang pinapupurihan, at ang Pamamagitang pinakadakila sa pagpapasya sa pagitan ng mga nilikha.
- Ang pagpapatibay sa Pamamagitan para sa Sugo (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) dahil sa sabi niya: {dadapo sa kanya ang Pamamagitan ko sa Araw ng Pagbangon.}
- Ang Pamamagitan ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay para sa mga may malalaking kasalanan kabilang sa Kalipunan niya alang-alang sa hindi pagpasok sa Impiyerno o para sa mga pumasok doon upang lumabas sila mula roon o alang-alang sa pagpasok sa Paraiso nang walang pagtutuos o sa pag-angat ng mga antas ng mga pumasok doon.
- Nagsabi si Aṭ-Ṭaybīy: Mula sa simula nito hanggang sa pagsabi ng: "Muḥammadar rasūlu -llāh (si Muḥammad ay Sugo ni Allāh)" ang panawagang lubos. Ang pagsabi ng: "Ḥayya `ala -ṣṣalāh, ḥ̣ayya `ala -lfalāḥ (Halika sa pagdarasal, halika sa tagumpay)" ay ang ṣalāh na nananatili sa sabi ni Allāh: "nagpapanatili ng pagdarasal." Naisasaposibilidad na ang tinutukoy sa ṣalāh ay ang pagdalangin at sa nananatili ay ang namamalagi batay sa kahulugang nanatili sa anuman kapag namalagi rito. Naisasaposibilidad na ang tinutukoy sa ṣalāh ay ang nakasanayang ipinananawagan sa sandaling iyon, na siyang pinakahayag.
- Nagsabi si Al-Muhallab: Sa ḥadīth ay may paghimok sa pagdalangin sa mga oras ng mga ṣalāh dahil ito ay ang kalagayan ng pag-asa sa pagtugon [ni Allāh].