Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya): {Nakarinig ako sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsasabi: {Nagsabi si...
Nagpabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na si Allāh (napakataas Siya) ay nagsabi sa banal na ḥadīth: "Hinati Ko ang Sūrah Al-F...
Ayon kay Buraydah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ang kasunduan na nasa p...
Naglinaw ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang kasunduan at ang tipan sa pagitan ng mga Muslim at ng nga iba sa kanila kabilang s...
Ayon kay Jābir (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nakarinig ako sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsasabi: "Tunay na sa pa...
Nagbigay-babala ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) laban sa pag-iwan sa ṣalāh na isinatungkulin. Nagpabatid siya na sa pagitan ng t...
Ayon kay Sālim bin Abī Al-Ja`d na nagsabi: {May nagsabing isang lalaki: "O kung sana ako ay nagdasal saka napahinga ako." Kaya para bang sila ay pum...
May nagsabing isang lalaking kabilang sa mga Kasamahan: "O kung sana ako ay nagdasal saka napahinga ako." Kaya para bang ang mga nasa paligid niya ay...
Ayon kay Abe Hurayrah, malugod si Allāh sa kanya-Siya ay nagsabi:Ang Sugo ni Allah-pagpaalain siya ni Allah at pangalagaan-Kapag siya ay Nagbigkas ng...
Ang Propeta-pagaalain siya ni Allah at pangalagaan-kapag siya ang nagbigkas ng Takbir [Allahu Akbar] sa pagdarasal nang Takbiratil Ihram,Hinihinaan ni...

Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya): {Nakarinig ako sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsasabi: {Nagsabi si Allāh (napakataas Siya): "Hinati Ko ang ṣalāh sa pagitan Ko at ng lingkod Ko sa dalawang kalahati at ukol sa lingkod Ko ang hiniling nito." Kaya kapag nagsabi ang lingkod: {2. Ang papuri ay ukol kay Allāh, ang Panginoon ng mga nilalang,}, magsasabi si Allāh (napakataas Siya): "Nagpuri sa Akin ang lingkod Ko." Kapag nagsabi ito: {3. ang Napakamaawain, ang Maawain,}, magsasabi si Allāh (napakataas Siya): "Nagbunyi sa Akin ang lingkod Ko." Kapag nagsabi ito: {4. ang Tagapagmay-ari ng Araw ng Pagtutumbas.}, magsasabi Siya: "Nagparingal sa Akin ang lingkod Ko." Nagsabi pa Siya minsan: "Nagpaubaya sa Akin ang lingkod Ko." Kapag naman nagsabi ito: {5. Sa Iyo [lamang] kami sumasamba at sa Iyo [lamang] kami nagpapatulong.}, magsasabi Siya: "Ito ay sa pagitan Ko at ng lingkod Ko at ukol sa lingkod Ko ang hiniling niya." Kapag naman nagsabi ito: {6. Magpatnubay Ka sa amin sa landasing tuwid: 7. ang landasin ng mga biniyayaan Mo, hindi ng mga kinagalitan, at hindi ng mga naliligaw.}, magsasabi Siya: "Ito ay ukol sa lingkod Ko at ukol sa lingkod Ko ang hiniling niya."}

Ayon kay Buraydah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ang kasunduan na nasa pagitan natin at nila ay ang ṣalāh. Kaya ang sinumang umiwan nito ay tumanggi ngang sumampalataya."}

Ayon kay Jābir (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nakarinig ako sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsasabi: "Tunay na sa pagitan ng tao at ng shirk at kawalang-pananampalataya ay ang pag-iwan sa ṣalāh."}

Ayon kay Sālim bin Abī Al-Ja`d na nagsabi: {May nagsabing isang lalaki: "O kung sana ako ay nagdasal saka napahinga ako." Kaya para bang sila ay pumintas niyon sa kanya, kaya naman nagsabi siya: "Nakarinig ako sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsasabi: 'O Bilāl, magsagawa ka ng iqāmah ng ṣalāh; magbigay-kapahingahan ka sa amin sa pamamagitan nito.'"}

Ayon kay Abe Hurayrah, malugod si Allāh sa kanya-Siya ay nagsabi:Ang Sugo ni Allah-pagpaalain siya ni Allah at pangalagaan-Kapag siya ay Nagbigkas ng Takbir [Allahu Akbar] sa pagdarasal,tumatahimik siya ng panandalian,bago siya magbasa,Nagsabi siya: O Sugo ni Allah,Sa Ama ko,Ikaw At sa Ina ko,Nakikita ko ang pagtahimik mo sa pagitan ng pagbibigkas ng Takbir [Allahu Akbar] at pagbabasa: Ano ang sinasabi mo?Nagsabi siya: Sinasabi kong:O Allah,ilayo Mo ako mula sa aking pagkakasala kahilintulad ng paglayo Mo sa pagitan ng Silangan at Kanluran.O Allah! Dalisayin ako mula sa aking pagkakasala,kahalintulad ng pagdalisay mula sa isang maputing tela mula sa dumi,O Allah! Linisin ang aking mga pagkakasala ng nyebe tubig,at yelo

Ayon kay `Abdullah Ibn 'Umar-malugod si Allah sa kanilang dalawa-Tunay na ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-Ay nagtataas sa dalawang kamay niya sa tapat ng dalawang balikat niya, kapag siya ay nagbubukas ng pagdarasal,at gayundin kapag siya ay nagbibigkas ng [Allahu Akbar] Ang Allah ay dakila,para sa pagyuko.At kapag itinaas niya ang ulo niya mula sa pagyuko,gayundin ay itinataas niya ang dalawang[kamay niya],at Nagsasabi siya:Naway dinggin ni Allah ang sinumang pumuri sa Kanya,O Panginoon namin, Ang lahat ng Papuri ay ukol sa Iyo. At hindi niya ito ginagawa sa pagpapatirapa.

Ayon kay `Ubbadah bin Samit-malugod si Allah sa kanya-buhat sa Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ay Nagsabi: ((Walang Dasal sa sinumang hindi magbasa ng Pambungad ng Aklat))

Ayon kay Abe Hurayrah, malugod si Allah sa kanya((Na ang Propeta -pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ay pumasok sa Masjid,At pumasok ang isang lalaki at nagdasal,pagkatapos ay dumating siya at bumati sa Propeta -pagpalain siya ni Allah at pangalagaan,Nagsabi siya: Bumalik ka at magdasal ulit,dahil ikaw ay hindi nakapag-dasal,Bumalik siya at nagdasal ulit tulad ng kanyang pagdarasal ,Pagkatapos ay dumating siya at at bumati sa Propeta -pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-Nagsabi siya: Bumalik ka at magdasal ulit,dahil ikaw ay hindi nakapag-dasal-pangatlo beses-Nagsabi siya: At Sumpa sa Nagpadala sa iyo sa katotohanan,wala nang mas-maganda pa maliban dito,Turuan mo ako;Nagsabi siya: Kapag ikaw ay tumindig sa pagdarasal;bigkasin mo ang Allahu Akbar,pagkatapos ay magbasa ka ng pinaka-madali para sa iyo mula sa Qur-an,pagkatapos ay yumuko ka hanggang sa maging mahinahon ka sa pagyuko,pagkatapos ay bumangon ka hanggang sa maging mahinahon ka sa pagtayo,pagkatapos ay magpatirapa ka hanggang sa maging mahinahon ka sa pagpatirapa,pagkatapos ay bumangon ka hanggang sa maging mahinahon sa pag-upo,at gawin mo ito sa lahat ng pagdarasal mo.))

Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya): {Siya noon ay nagsasagawa ng takbīr sa bawat ṣalāh na isinatungkulin at iba pa rito, sa Ramaḍān at iba pa rito. Nagsasagawa siya ng takbīr kapag nakatayo siya. Pagkatapos nagsasagawa siya ng takbīr kapag yuyukod siya. Pagkatapos nagsasabi siya ng: "Sami`a –llāhu liman ḥamidah (Nakarinig si Allāh sa sinumang nagpuri sa Kanya)." Pagkatapos nagsasabi siya ng: "Rabbanā wa-laka –lḥamd (Panginoon namin, at ukol sa Iyo ang papuri)" bago siya magpatirapa. Pagkatapos nagsasabi siya ng: "Allāhu akbar (Si Allāh ay pinakadakila)" kapag bumababa siya para magpatirapa. Pagkatapos nagsasagawa siya ng takbīr kapag nag-aangat siya ng ulo niya mula sa pagkakapatirapa. Pagkatapos nagsasagawa siya ng takbīr kapag magpapatirapa siya. Pagkatapos nagsasagawa siya ng takbīr kapag nag-aangat siya ng ulo niya mula sa pagkakapatirapa. Pagkatapos nagsasagawa siya ng takbīr kapag tumatayo siya mula sa pagkakaupo sa dalawa. Gumagawa siya niyon sa bawat rak`ah hanggang sa makatapos siya sa ṣalāh. Pagkatapos nagsasabi siya kapag lilisan: "Sumpa man sa Kanya na ang kaluluwa ko ay nasa kamay Niya, tunay na ako ay talagang higit na malapit sa inyo sa pagkakawangis sa ṣalāh ng Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan). Tunay na ito noon ay talagang ang ṣalāh niya hanggang sa nakipaghiwalay siya sa Mundo."}

Ayon sa Anak ni `Abbas (malugod si Allāh sa kanilang dalawa): {Ayon sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsabi: "Inutusan ako na magpatirapa [habang nagdidiit] sa [lapag ng] pitong buto: sa noo, at tumuro siya ng kamay niya sa ilong niya, dalawang kamay, dalawang tuhod, at mga dulo ng dalawang paa; at hindi tayo magtungkos ng mga kasuutan at buhok."}

Ayon kay Abū Umāmah na nagsabi: {Nagsanaysay sa akin si `Amr bin `Abasah (malugod si Allāh sa kanya) na siya ay nakarinig sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsasabi: "Ang pinakamalapit na [sandali ng] Panginoon mula sa lingkod ay sa kalaliman ng huling bahagi ng gabi. Kaya kung nakakaya mo na ikaw ay maging kabilang sa mga nag-aalaala kay Allāh sa oras na iyon, maging gayon ka."}

Ayon kay Jarīr bin `Abdillāh (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Kami noon ay nasa piling ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) saka tumingin siya sa buwan sa gabi – tumutukoy siya – ng kabilugan saka nagsabi siya: "Tunay na kayo ay makakikita sa Panginoon ninyo gaya ng pagkakita ninyo sa buwan na ito; hindi kayo mahihirapan sa pagkakita sa Kanya. Kaya kung makakaya ninyo na hindi kayo mapanaigan sa isang dasal bago ng pagsikat ng araw at bago ng paglubog nito ay gawin ninyo." Pagkatapos bumigkas siya (Qur'ān 20:130): {at magluwalhati ka kalakip ng papuri sa Panginoon mo bago ng pagsikat ng araw at bago ng paglubog nito;}}