- Ang pagkakinakailangan ng pagpapatirapa sa pagsasagawa ng ṣalāh sa pitong bahaging ipinampapatirapa.
- Ang pagkasuklam sa pagbungkos at pagsasama ng kasuutan at ng buhok sa pagsasagawa ng ṣalāh.
- Kinakailangan sa nagdarasal na mapanatag sa pagsasagawa ng ṣalāh niya. Iyon ay sa pamamagitan ng paglalapag niya ng pitong bahaging ipinampapatirapa sa lapag at pagtigil sa mga ito hanggang sa makasambit ng dhikr na isinasabatas.
- Ang pagsaway laban sa pagbungkos ng buhok ay natatangi sa mga lalaki hindi sa mga babae dahil ang babae sa ṣalāh ay inuutusan na magtakip.