Ayon kay Abu Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya): {Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi: "Kapag nagsagawa ng wuḍū'...
Naglinaw ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ng ilan sa mga patakaran ng ṭahārah. Kabilang sa mga ito: A. Ang sinumang nagsasagawa n...
Ayon sa Anak ni `Abbās (malugod si Allāh sa kanilang dalawa) na nagsabi: {Naparaan ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa dalawang lib...
Naparaan ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa dalawang libingan saka nagsabi siya: Tunay na ang dalawang nakalibing sa dalawang libi...
Ayon kay Anas bin Mālik, malugod si Allāh sa kanya-Tunay na ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-Kapag siya ay pumapasok sa Palikuran.Si...
Binabanggit sa atin ni Anas bin Mālik, malugod si Allāh sa kanya-ang napakarangal na naglilingkod sa Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan- s...
Ayon kay `Ā'ishah na Ina ng mga mananampalataya (malugod si Allāh sa kanya): {Ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), kapag lumabas siya...
Ang Propeta noon (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), kapag lumabas mula sa pagtugon sa tawag ng kalikasan niya mula sa palikuran, ay nagsasabi ng...
Ayon kay `Ā'ishah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ang siwāk ay isang kad...
Nagpapabatid sa atin ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang paglilinis ng mga ngipin sa pamamagitan ng munting patpat ng punong ar...
Ayon kay Abu Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya): {Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi: "Kapag nagsagawa ng wuḍū' ang isa sa inyo, maglagay siya ng tubig sa ilong niya, pagkatapos magsinga siya nito. Ang sinumang mag-iwang, gawin niya sa gansal na bilang. Kapag nagising ang isa sa inyo mula sa pagkatulog niya, maghugas siya ng kamay niya bago siya magpasok nito sa panghugas niya sapagkat tunay na ang isa sa inyo ay hindi nakaaalam kung saan nagmagdamag ang kamay niya."} Ang pananalita ni Imām Muslim: "Kapag nagising ang isa sa inyo mula sa pagkatulog niya, huwag siyang maglubog ng kamay niya sa lalagyan hanggang sa makapaghugas siya nito nang tatlong ulit sapagkat tunay na siya ay hindi nakaaalam kung saan nagmagdamag ang kamay niya."}
Ayon sa Anak ni `Abbās (malugod si Allāh sa kanilang dalawa) na nagsabi: {Naparaan ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa dalawang libingan saka nagsabi siya: "Tunay na silang dalawa ay talagang pinagdurusa. Hindi silang dalawa pinagdurusa kaugnay sa isang malaking kasalanan. Hinggil sa isa sa kanilang dalawa, siya noon ay hindi nagtatakip sa pag-ihi. Hinggil naman sa isa pa, siya noon ay naglalako ng paninirang-puri." Pagkatapos kumuha siya ng isang sariwang palapa saka naghati siya nito sa dalawang hati saka nagtusok sa bawat libingan ng isa. Nagsabi sila: "O Sugo ni Allāh, bakit mo ginawa iyan?" Nagsabi siya: "Harinawang iyan ay magpapagaan para sa kanilang dalawa hanggat hindi natuyo."}
Ayon kay Anas bin Mālik, malugod si Allāh sa kanya-Tunay na ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-Kapag siya ay pumapasok sa Palikuran.Siya ay nagsasabi :(( O Allah! Ako ay nagpapakupkop sa Iyo mula sa mga [masasamang espirito ng mga] lalaki at babae,))
Ayon kay `Ā'ishah na Ina ng mga mananampalataya (malugod si Allāh sa kanya): {Ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), kapag lumabas siya noon mula sa palikuran, ay nagsasabi ng: "Ghufrānaka (Hinihiling ko ang pagpapatawad Mo)."}
Ayon kay `Ā'ishah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ang siwāk ay isang kadalisayan para sa bibig, na isang kaluguran para sa Panginoon."}
Ayon kay Ḥudhayfah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), kapag tumitindig siya [sa pagdarasal] sa gabi, ay nagsisipilyo ng bibig niya sa pamamagitan ng siwāk.}
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya): {Ayon sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsabi: "Kung hindi dahil na makapagpahirap ako sa mga mananampalataya," – o: "sa Kalipunan ko," – "talaga sanang nag-utos ako sa kanila na gumamit ng siwāk sa sandali ng bawat pagdarasal."}
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Isang tungkulin sa bawat Muslim na maligo siya sa isang araw sa bawat pitong araw, na maghuhugas siya rito ng ulo niya at katawan niya."}
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya): {Nakarinig ako sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsasabi: "Ang naturalesa [ng kalinisan] ay lima: ang pagpapatuli, ang pag-aahit sa ari, ang pagputol ng bigote, ang paggupit ng mga kuko, at ang pagbunot [ng buhok] sa kilikili."}
Ayon kay `Alīy bin Abī Ṭālib, malugod si Allāh sa kanya-siya ay nagsabi: (( Ako ay lalaking may maramimg Madhiy [tubig na lumalabas bago ang pagtatalik],Nahiya akong itanong ito sa Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-dahil sa kinalalagyan ng anak niya sa akin,Inutusan ko si Meqdad bin Al-Aswad,at itinanong niya ito,at Nagsabi siyang:Hugasan niya ang ari niya at magsagawa siya ng wudhu)) At sa kay Imam Al-Bukhariy: ((Hugasan mo ang ari mo at magsagawa ka ng wudhu)) At kay Imam Muslim: ((Magsagawa ka ng wudhu at hugasan mo ang ari mo))
Ayon kay `Ammar bin Yaser, malugod si Allah sa kanya-siya ay nagsabi: ((Ipinadala ako ng Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-sa ilang pangangailangan,Naging junub ako,wala akong matagpuang tubig.Humiga ako sa buhangin tulad ng paghiga ng hayop,Pagkatapos ay dumating ako sa Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-at binanggit ko ito sa kanya,Nagsabi siya:Katotohanang sapat na sa iyo na idampi mo sa kamay mo ng ganito: pagkatapos ay idinampi niya ang dalawang kamay niya sa lupa ng isang beses,at pagkatapos ay pinunasan ng kaliwa ang kanan,at ang sa ibabaw ng palad niya at ang mukha niya))
Ayon kay Al-Mughīrah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Ako minsan ay kasama ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa isang paglalakbay saka bumaba ako upang magtanggal ng khuff niya ngunit nagsabi siya: "Hayaan mo iyan sapagkat tunay na ako ay nagpasok niyan [sa paa] habang dalisay pa." Kaya nagpahid siya rito.}