- Ang kabaitan ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa Kalipunan niya at ang pangamba niya sa hirap para sa kanila.
- Ang batayang panuntunan sa utos ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay ang pagkakinakailangan maliban na umiral ang patunay na ito ay isang pagkukusang-loob.
- Ang pagsasakaibig-ibig ng paggamit ng siwāk at ang kainaman nito bago ng bawat pagsasagawa ng ṣalāh.
- Nagsabi si Daqīq: Ang kasanhian sa pagsasakaibig-ibig ng paggamit ng siwāk bago ng pagsasagawa ng ṣalāh ay ang pagiging ito ay isang kalagayan ng pagpapakalapit-loob kay Allāh, kaya naman hiniling na ito ay maging isang kalagayan ng kalubusan at kalinisan bilang paglalantad sa karangalan ng pagsamba.
- Ang pagkapangkalahatan ng ḥadīth ay sumasaklaw sa paggamit ng siwāk ng tagapag-ayuno, kahit pa man matapos ng katanghaliang-tapat gaya ng sa ṣalāh sa tanghali at ṣalāh sa hapon.