Ayon kay Ibnu `Umar, malugod si Allah sa kanilang dalawa: Hindi nangyaring ang Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, ay nag-iwan sa m...
Ang Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, sa bawat umaga at gabi ay nagsisigasig noon sa pagsambit ng panalanging ito. Hindi niya ito...
Ayon kay `Ā’ishah, malugod si Allah sa kanya- Na ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ay nagturu sa kanya sa pananalanging ito:O A...
Tinuruan ng Propeta-pagpalin siya ni Allah at pangalagaan-si `Aishah malugod si Allah sa kanya-sa panalanging ito na siyang kabuuan ng mga salitang ka...
Ayon kay `Abdullāh bin `Amr bin Al-`Āṣṣ (malugod si Allāh sa kanilang dalawa) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at p...
Nagpapabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang pananampalataya ay naluluma sa puso ng Muslim at nanghihina tulad ng bagong da...
Ayon kay Al-`Abbās bin `Abdilmuṭṭalib (malugod si Allāh sa kanya): {Siya ay nakarinig sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na na...
Nagpapabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang mananampalatayang tapat sa pananampalataya niya, na napapanatag dito ang puso...
Ayon kay Mu`ādh bin Jabal, malugod si Allah sa kanya-Katotohanang ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ay nagsabi:(( O Muadh,Sumpa sa Al...
Inilalarawan sa Hadith ni Muadh,Bilang bagong katuruaan mula sa katuraan ng Pagmamahalan sa Islam,Na kung saan ang bunga nito ay pangangaral at pagpap...
Ayon kay Ibnu `Umar, malugod si Allah sa kanilang dalawa: Hindi nangyaring ang Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, ay nag-iwan sa mga pananalitang ito kapag gumabi at kapag nag-umaga: "Allāhumma innī as’aluka -l`āfiyata fī dīnī wa dunyāya wa ahlī wa mālī, allāhumma -stur `awrātī wa āmin raw`ātī, wa -ḥfiđnī mim bayna yadayya wa min khalfī wa `an yamīnī wa `an shimālī wa min fawqī, wa a`ūdhu bi`ađamatika an ughtāla min taḥtī (O Allah, tunay na ako ay humihiling sa Iyo ng kagalingan sa relihiyon ko, pangmundong buhay ko, mag-anak ko, at ari-arian ko. O Allah, pagtakpan Mo ang mga kahihiyan ko, patiwasayin Mo ang mga pangingilabot ko, at pangalagaan Mo ako mula sa harapan ko at sa likuran ko, sa dakong kanan ko at sa dakong kaliwa ko, at sa itaas ko. Nagpapakupkop ako sa kadakilaan Mo upang hindi ako lamunin mula sa ilalim ko)."
Ayon kay `Ā’ishah, malugod si Allah sa kanya- Na ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ay nagturu sa kanya sa pananalanging ito:O Allah hinihiling ko sa Iyo ang lahat ng mabubuti maging ito man ay sa una o sa huli,Ang mga nalalaman ko rito at ang hindi ko nalalaman,At ako ay nagpapakupkop sa Iyo mula sa lahat ng masasama,maging ito man sa una at sa huli,Ang mga nalalaman ko rito at ang hindi ko nalalaman.O Allah! hinihiling ko sa Iyo ang mabuti na tulad ng hiniling sa Iyo ng Iyong alipin at Propeta! O Allah! hinihiling ko sa Iyo ang Paraiso at ang mga salita at mga gawa na napapalapit dito,At ako ay nagpapakupkop mula sa Impiyerno,at sa mga salita ay gawa na nagpapakupkop dito.At hinihiling ko sa Iyo na gawin Mong mabuti ang aking kapalaran
Ayon kay `Abdullāh bin `Amr bin Al-`Āṣṣ (malugod si Allāh sa kanilang dalawa) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Tunay na ang pananampalataya ay talagang naluluma sa kaloob-looban ng [bawat] isa sa inyo kung paanong naluluma ang lumang kasuutan. Kaya naman humiling kayo kay Allāh na magpanibago Siya ng pananampalataya sa mga puso ninyo."}
Ayon kay Al-`Abbās bin `Abdilmuṭṭalib (malugod si Allāh sa kanya): {Siya ay nakarinig sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsasabi: "Nakatikim ng lasa ng pananampalataya ang sinumang nalugod kay Allāh bilang Panginoon, sa Islām bilang relihiyon, at kay Muḥammad bilang Sugo."}
Ayon kay Mu`ādh bin Jabal, malugod si Allah sa kanya-Katotohanang ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ay nagsabi:(( O Muadh,Sumpa sa Allah;Katotohanan ikaw ay iniibig ko,Pagkatapos ay nagtatagubilin ako sa iyo O Muadh,Huwag mong iwan sa bawat pagtatapos ng pagdarasal na sabihin mong: O Allah,Tulungan ako sa Pag-aalaala sa Iyo,at sa Pagpapasalamat sa Iyo,at sa Mabuting Pagsamba sa Iyo.
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya): {Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi: "Ang pinakamalapit na lagay na ang tao ay magiging mula sa Panginoon niya ay habang siya ay nakapatirapa, kaya damihan ninyo ang pagdalangin."}
Ayon kay Anas, malugod si Allah sa kanya: "Ang pinakamadalas na panalangin noon ng Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, ay Allāhumma ātinā fi -ddunyā ḥasanatan wa fi -l’ākhirati ḥasanatan wa qinā `adhāba -nnār (O Allah, bigyan Mo kami sa mundo ng maganda at sa Kabilang-buhay ng maganda rin, at ipagsanggalang Mo kami sa pagdurusa sa Apoy)."
Ayon kay Abū Ad-Dardā’, malugod si Allah sa kanya, na nagsabi: "Nagsabi ang Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan: Hindi ba ako magbabalita sa inyo hinggil sa pinakamabuti sa mga gawa ninyo, ng pinakadalisay sa mga ito sa ganang May-ari ninyo, pinakaangat sa mga ito sa mga antas ninyo, higit na mabuti para sa inyo kaysa sa paggugol ng ginto at pilak, at higit na mabuti para sa inyo kaysa sa makatagpo ninyo ang mga kaaway ninyo at tagain ninyo ang mga leeg nila at tagain nila ang mga leeg ninyo?" Nagsabi sila: Opo. Nagsabi siya: "Ang pag-alaala kay Allah, pagkataas-taas Niya."
Ayon kay `Ā’ishah (malugod si Allāh sa kanya): {Ang Propeta noon (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), kapag pumunta siya sa higaan niya bawat gabi, ay nagbubuklod ng mga kamay niya. Pagkatapos bumubuga siya sa mga ito saka bumibigkas sa mga ito ng ika-112 kabanata, ika-113 kabanata, at ika-114 kabanata [ng Qur'ān]. Pagkatapos nagpapahid siya ng mga ito sa nakakaya niya mula sa katawan niya. Nagsisimula siya sa pamamagitan ng mga ito sa ulo niya, mukha niya, at nakaharap mula sa katawan niya. Ginagawa niya iyon nang tatlong ulit.}
Ayon kay Shaddad bin Aws, malugod si Allah sa kanya.Pangulo ng pananalangin sa Kapatawaran,Ang pagsabi ng alipin sa: "O Allah,Ikaw ang aking Panginoon,Walang ibang Diyos na karapa-dapat sambahin maliban sa Iyo,Ako ay Iyong nilikha at ako ay Iyong alipin,at ako ay susunod sa Iyong mga ipinag-utos at ipinangangako kong gagawin sa abot ng aking makakayanan,Ako ay nagpapakupkop sa Iyo mula sa kasamaan ng aking mga gawa,Tinatanggap ko ang Iyong mga biyaya sa akin at tinatanggap ko ang aking mga pagkakasala,Kaya patawarin ako,dahil katotohanan walang makakapagbigay ng kapatawaran maliban sa Iyo."
Ayon kay Abe Hurayrah malugod si Allah sa kanya-Nagsabi siya: Ang Sugo ni Allah pagpalain siya ni Allah at panagalagaan-kapag siya ay kina-umagahan,sinasabi niyang:((O Allah, {sa kapahintulutan mo} sa Iyo kami ay inumagahan,at {sa kapahintulutan mo} sa Iyo kami ay ginabihan,at {sa kapahintulutan mo} kami ay nabubuhay,at {sa kapahintulutan mo} kami ay namamatay,at kami sa Iyo ay babalik)) at kapag Ginabihan,Nagsabi siya:((O Allah, {sa kapahintulutan mo} sa Iyo kami ay ginabihan,at {sa kapahintulutan mo} sa Iyo kami ay inumagahan,at {sa kapahintulutan mo} kami ay nabubuhay,at {sa kapahintulutan mo} kami ay namamatay,at kami sa Iyo ay babalik))
Ayon kay `Uthmān bin `Affān, malugod si Allah sa kanya: "Walang taong nagsasabi sa kinaumagahan ng bawat araw at kinagabihan ng bawat gabi: Bismi -llāhi -lladhī lā yaḍurru ma`a -smihi shay'un fi -l'arḍi wa lā fi -ssamā'i, wa huwa -ssamī`u -l`alīm (Sa ngalan ni Allāh na walang makapipinsala sa pangalan Niya na anumang bagay sa lupa ni sa langit at Siya ay ang Nakaririnig, ang Nakaaalam) nang tatlong ulit malibang hindi siya mapipinsala ng anuman."