Ayon kay `Uqbah bin `Āmir, malugod si Allāh sa kanya: "Kaingat kayo sa pagpasok sa kinaroroonan ng mga babae." Kaya may nagsabing isang lalaking kabil...
Nagbibigay-babala ang Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, laban sa pagpasok sa kinaroroonan ng mga babaing hindi maḥram at ang pakikipags...
Ayon kay Abū Mūsā Al-Ash`arīy (malugod si Allāh sa kanya): {Ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi: "Walang kasal malibang may...
Naglinaw ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang babae ay hindi natutumpak pakasalan malibang may isang walīy na magsasagawa ng kon...
Ayon kay `Ā'ishah na ina ng mga mananampalataya (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalag...
Nagbigay-babala ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) laban sa pagpapakasal ng babae ng sarili niya nang walang pahintulot ng mga walīy...
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Isinumpa ang sinuma...
Nagbibigay-babala ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) laban sa pakikipagtalik ng asawa sa maybahay niya sa tumbong nito, na siya ay is...
Ayon kay `Uqbah bin `Āmir (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ang pinakakara...
Naglilinaw ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang higit na marapat sa mga kundisyon sa pagtupad ay ang anumang naging isang kadahi...
Ayon kay `Uqbah bin `Āmir, malugod si Allāh sa kanya: "Kaingat kayo sa pagpasok sa kinaroroonan ng mga babae." Kaya may nagsabing isang lalaking kabilang sa Anṣār: "O Sugo ni Allāh, ano po ang tingin mo sa lalaking kapamilya ng biyanan?" Nagsabi siya: "Ang lalaking kapamilya ng biyanan ay ang kamatayan." Batay kay Imām Muslim, ayon kay Abū Aṭ-Ṭāhir, ayon kay Ibnu Wahb, na nagsabi: "Narinig ko si Al-Layth na nagsasabi: Ang lalaking kapamilya ng biyanan ay ang kapatid ng asawa at anumang nakawangis nito na kabilang sa mga kaanak ng asawa, pinsan, at gaya nito."
Ayon kay Abū Mūsā Al-Ash`arīy (malugod si Allāh sa kanya): {Ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi: "Walang kasal malibang may isang walīy."}
Ayon kay `Ā'ishah na ina ng mga mananampalataya (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ang alinmang babae na nagpakasal nang walang pahintulot ng mga walīy niya, ang kasal niya ay walang-saysay – nang tatlong ulit – saka kung nakipagtalik ito sa kanya, ang bigay-kaya ay ukol sa kanya dahil sa ginawa nito sa kanya. Kapag nagtalu-talo sila, ang tagapamahala ay walīy ng sinumang walang walīy para sa kanya."}
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Isinumpa ang sinumang nakipagtalik sa maybahay niya sa tumbong nito."}
Ayon kay `Uqbah bin `Āmir (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ang pinakakarapat-dapat sa mga kundisyon na tuparin ninyo ay ang isinapahintulot ninyo dahil dito ang pakikipagtalik."}
Ayon kay `Abdullāh bin `Amr (malugod si Allāh sa kanilang dalawa): {Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi: "Ang Mundo ay natatamasa at ang pinakamabuti sa natatamasa sa Mundo ay ang babaing maayos."}
Ayon kay Jarīr bin `Abdillāh (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagtanong ako sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) tungkol sa tingin ng pagkabigla kaya nag-utos siya sa akin na magbaling ako ng paningin ko.}
Ayon kay Anas (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nag-alay ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ng dalawang tupa na kulay puting nahaluan ng itim na may sungay. Kumatay siya ng dalawang ito sa pamamagitan ng kamay niya. Bumanggit siya [kay Allāh] at nagdakila. Naglagay siya ng paa niya sa mga gilid ng dalawang ito.}
ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allah sa kanya) mula sa Propeta Pagpalain siya ni Allah at pangalagaan siya ay nagsabi: ((At yaong ibinaba niya ang kanyang suot sa dalawang bukong-bukong ay mapasa impyerno)). Mula kay Abu said (malugod si Allah sa kanya) ay nag-saad:Nagsabi ang Sugo ni Allah (pagpalain siya ni Allah at pangalagaan) ((Ang pananamit ng muslim ay hanggang sa kalahati ng binti, at walang pangamba -o walang problema- kung ito ay sa pagitan niya at pagitan ng dalawang bukong-bukong, sa ganon kung siya ay nakababa sa dalawang bukong-bukong siya ay mapasaimpyerno, at sino man ang kaladkarin niya ang kanyang suot bilang pag-mamataas hindi siya titingnan ng dakilang Allah)).
Ayon kay Hudhayfah bin Al-Yamān-malugod si Allah sa kanya-Hadith na Marfu-((Huwag kayong magsuot ng sutla at Dībāj [damit na yari sa bakal] at huwag kayong uminom gamit ang lalagyang yari ginto at pilak,At huwag kayong kumain sa mga dulang nila, Sapagkat ito ay para sa kanila sa Mundo at ang sa inyo ay ang Kabilang buhay))
Ayon kay `Alīy (malugod si Allāh sa kanya): {Ayon sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsabi: "Inangat ang panulat sa tatlo: sa natutulog hanggang sa magising siya, sa paslit hanggang sa magbinata siya, at sa baliw hanggang sa makapag-unawa siya."}