Ayon kay `Abdullāh bin Mas`ūd (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan)': "Ang un...
Binanggit ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang una sa hahatulan sa mga tao kaugnay sa kawalang-katarungan ng iba sa kanila sa iba...
Ayon kay `Abdullāh bin `Amr (malugod si Allāh sa kanilang dalawa): {Ayon sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsabi: "Ang sinumang...
Nililinaw ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ang matinding banta na ang sinumang pumatay ng isang kinasunduan – ang sinumang pumasok k...
Ayon kay Jubayr bin Muṭ`im (malugod si Allāh sa kanya), siya ay nakarinig sa Propeta (basbasan ito ni Allāh at pangalagaan) na nagsasabi: "Hindi papa...
Nagpapabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang sinumang pumutol buhat sa ugnayan sa mga kamag-anak niya ng anumang kinakailan...
Ayon kay Anas bin Mālik (malugod si Allāh sa kanya): {Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi: "Ang sinumang umibig na p...
Humihimok ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ng pagpapanatili ng ugnayan sa mga kamag-anak sa pamamagitan ng pagbisita, pagpaparangal...
Ayon kay `Abdullāh bin `Amr (malugod si Allāh sa kanilang dalawa): {Ayon sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsabi: "Ang nakikipa...
Nagpapabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang taong lubos sa pakikiugnay sa kaanak at paggawa ng maganda sa mga kamag-anak a...
Ayon kay `Abdullāh bin Mas`ūd (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan)': "Ang una sa huhusgahan sa mga tao sa Araw ng Pagbangon ay kaugnay sa [pagpapadanak ng] mga dugo."}
Ayon kay `Abdullāh bin `Amr (malugod si Allāh sa kanilang dalawa): {Ayon sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsabi: "Ang sinumang pumatay ng isang kinasunduan, hindi siya makaaamoy ng amoy ng Paraiso. Tunay na ang amoy nito ay natatagpuan sa [layo ng] paglalakbay na apatnapung taon."}
Ayon kay Jubayr bin Muṭ`im (malugod si Allāh sa kanya), siya ay nakarinig sa Propeta (basbasan ito ni Allāh at pangalagaan) na nagsasabi: "Hindi papasok sa Paraiso ang isang tagaputol ng ugnayan sa kaanak."}
Ayon kay Anas bin Mālik (malugod si Allāh sa kanya): {Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi: "Ang sinumang umibig na paluwagan para sa kanya sa panustos sa kanya at antalaan para sa kanya sa taning niya ay magpanatili siya ng ugnayan sa kaanak niya."}
Ayon kay `Abdullāh bin `Amr (malugod si Allāh sa kanilang dalawa): {Ayon sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsabi: "Ang nakikipag-ugnayan sa kaanak ay hindi ang nakikitumbas, bagkus ang nakikipag-ugnayan sa kaanak ay ang kapag pinutol ang ugnayang pangkaanak sa kanya ay nakikipag-ugnayan [pa rin] siya roon."}
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya): {Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi: "Nakaaalam ba kayo kung ano ang panlilibak?" Nagsabi sila: "Si Allāh at ang Sugo Niya ay higit na maalam." Nagsabi siya: "[Ito] ang pagbanggit mo ng kapatid mo hinggil sa anumang kasusuklaman niya." Sinabi: "Kaya ano po sa tingin mo kung nasa kapatid ko ang sinasabi ko?" Nagsabi siya: "Kung naging nasa kanya ang sinasabi mo, nanlibak ka nga sa kanya; at kung hindi ito naging nasa kanya, nanirang-puri ka nga sa kanya."}
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Isinumpa ng Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ang nanunuhol at ang nagpapasuhol sa paghahatol.}
Ayon kay Abū Hurayrah, malugod si Allāh sa kanya: "Huwag kayong mag-inggitan. Huwag kayong magpataasan sa tawad. Huwag kayong magmuhian. Huwag kayong magtalikuran. Huwag sulutin ng ilan sa inyo ang pagtitinda ng iba pa. Maging mga lingkod kayo ni Allāh bilang magkakapatid. Ang Muslim ay kapatid ng Muslim. Hindi niya inaapi ito. Hindi niya ito iniiwan. Hindi niya ito hinahamak. Ang pangingilag sa pagkakasala ay narito. (Itinuturo niya ang dibdib niya nang tatlong ulit.) Sapat na sa isang tao bilang kasamaan na hamakin niya ang kapatid niyang Muslim. Lahat ng nasa Muslim sa kapuwa Muslim ay hindi nilalabag: ang dugo niya, ang yaman niya, at ang dangal niya."
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya): {Ayon sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsabi: "Kaingat kayo sa pagpapalagay sapagkat tunay na ang pagpapalagay ay pinakasinungaling na pag-uusap. Huwag kayong maghanap ng kasiraan, huwag kayong maniktik, huwag kayong mag-inggitan, huwag kayong magtalikuran, at huwag kayong magmuhian. Maging mga lingkod ni Allāh kayo bilang magkakapatid."}
Ayon kay Ḥudhayfah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nakarinig ako sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsasabi: "Walang papasok sa Paraiso na isang palasabi-sabi."}
Ayon kay Abū Hurayrah, malugod si Allah sa kanya: "Ang lahat ng kalipunan ko ay mapagpapaumanhinan maliban sa mga naglalantad [ng kasalanan]. Tunay na kabilang sa paglalantad [ng kasalanan] na gagawa ang tao sa gabi ng isang [masamang] gawain at pinagtakpan na siya Allah roon, ngunit magsasabi siya: "O Polano, nakagawa ako kahapon ng ganito at gayon," samantalang magdamag siyang pinagtatakpan ng Panginoon niya at kinaumagahan naman ay ibinubunyag niya ang pinagtakpan ni Allah sa kanya."
Ayon sa Anak ni `Umar (malugod si Allāh sa kanilang dalawa): {Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagtalumpati sa mga tao sa araw ng pagsakop sa Makkah sapagkat nagsabi siya: "O mga tao, tunay na si Allāh ay nag-alis nga sa inyo ng kapalaluan ng Kamangmangan at pagsasadakila nito sa mga ninuno nito. Ang mga tao ay dalawang tao: isang mabuting-loob na mapangilagin magkasala na marangal kay Allāh at isang masamang-loob na malumbay na hamak kay Allāh. Ang mga tao ay mga anak ni Adan. Lumikha si Allāh kay Adan mula sa alabok. Nagsabi si Allāh: {O mga tao, tunay na Kami ay lumikha sa inyo mula sa isang lalaki at isang babae at gumawa sa inyo na mga bansa at mga lipi upang magkakilalahan kayo. Tunay na ang pinakamarangal sa inyo sa ganang kay Allāh ay ang pinakamapangilag magkasala sa inyo. Tunay na si Allāh ay Maalam, Mapagbatid.} (Qur'ān 49:13)"}