Ayon kay Abe Hurayrah-malugod si allah sa kanya,Nagsabi siya: Sinabi ng Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan; (Nagsabi si Allah-Kamaha...
Ipinapaalam ng Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-sa Hadithul Qudsie na ito:Na ang lahat ng mga mabubuting gawain-mula sa mga pananalita a...
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ang sinumang nag-ay...
Nagpapabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang sinumang nag-ayuno sa buwan ng Ramaḍān dala ng pananampalataya kay Allāh at...
Ayon kay Sahl bin Sa`d, malugod si Allah sa kanya-Buhat sa Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-siya ay nagsabi: ((Katotohanan sa Paraiso ay...
Ang kahulugan ng Hadith: Katotohanang matatagpuan sa Paraisao ang pintuan na tinatawag na :Arrayān,para lang sa mga nag-aayuno,Walang nakakapasok na i...
Ayon kay Abū Hurayrah, malugod si Allah sa kanya, ang Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, ay nagsabi: "Kapag dumating ang Ramaḍān,...
Ayon kay Abū Hurayrah, malugod si Allah sa kanya, ang Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, ay nagsabi: "Kapag dumating ang Ramaḍān, binubu...
Ayon kay Abe Hurayrah, malugod si Allah sa kanya-Hadith na marfu: ((Sinuman ang nakalimot na siya ay nag-aayuno,nakakain siya naka-inom,ipagpatuloy ni...
Ginawa ang Batas ng Islam para sa pagpapagaan at kadalian.At ang mga tungkulin ay batay lamang sa kakayahan,at hindi pagparusa sa anumang bagay na lab...

Ayon kay Abe Hurayrah-malugod si allah sa kanya,Nagsabi siya: Sinabi ng Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan; (Nagsabi si Allah-Kamahal-mahalan siya at kapita-pitagan) ang lahat ng gawain ng anak ni Adam ay sa kanya,Maliban sa pag aayuno,sapagkat ito ay sa Akin, At Ako ang magbibigay ng gantimpala dito,ang pag aayuno ay Panangga,kapag sa araw na nag aayuno ang isa sa inyo,huwag magsalita ng masasama,at huwag makipagtalo,at kapag nangutya ang isa sa inyo o nakipag-away, Magsabi siya na:Ako ay Nag- aayuno:Sumpa man sa nagbigay ng buhay kay Muhammad: Ang hindi magandang hininga ng nag aayuno ay mas mabango para kay Allah,kaysa amoy ng pabango,Sa nag aayuno ay may dalawang kaligayahan na nakakapag-paligaya sa kanila,kapag naghaponan siya,naliligayahan siya sa paghahapunan niya,at kapag nakatagpo niya ang Panginoon niya,naliligayahan siya sa pag-aayuno niya,)).At ang pananalita na ito,ay salasay ni Imam Al-Bukharie.At sa salaysay mula sa kanya:((Iniiwan niya ang pagkain nito at inumin nito at pag-aasawa nito para sa akin,Ang Pag-aayuno ay sa akin at ako ang magbibigay ng gantimpala dito,at ang isang kabutihan ay katumbas ng sampu na katulad nito))At sa salaysay ni Imam Muslim:(Ang lahat ng mga gawain ng anak ni Adam ay pinaparami,At ang isang kabutihan ay katumbas ng sampung katulad nito,hanggang sa pitong-daang pagpaparami,Nagsabi ang Allah-Pagkataas-taas Niya:(Maliban sa Pag-aayuno,Sapagkat ito ay sa akin, at Ako ang magbibigay ng gantimpala dito,iniiwan niya ang pag-aasawa nito at pagkain nito para sa Akin.Sa nag-aayuno ay may dalawang kaligayahan:Kaligayahan sa paghahapunan niya(AlFitr),at kaligayahan sa pagtagpo niya sa Panginoon niya.At ang hindi magandang hininga ng nag aayuno ay mas-mabango para kay Allah kaysa amoy ng pabango.

Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ang sinumang nag-ayuno sa Ramaḍān dala ng pananampalataya at dala ng pag-asang gagantimpalaan, patatawarin sa kanya ang anumang nauna na pagkakasala niya."}

Ayon kay Sahl bin Sa`d, malugod si Allah sa kanya-Buhat sa Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-siya ay nagsabi: ((Katotohanan sa Paraiso ay may matatagpuang pintuan na tinatawag na :Arrayān,Papasok rito ang mga nag-ayuno,sa Araw ng Pagkabuhay,Walang nakakapasok rito na iba maliban sa kanila,Sinasabing:Nasaan na ang mga nag-ayuno?Tatayo sila, Walang nakakapasok rito na iba maliban sa kanila,At kapag nakapasok sila,isasarado ito,at walang makakapasok kahit na isa))

Ayon kay Abū Hurayrah, malugod si Allah sa kanya, ang Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, ay nagsabi: "Kapag dumating ang Ramaḍān, binubuksan ang mga pinto ng Paraiso, ipinipinid ang mga pinto ng Impiyerno, at iginagapos ang mga demonyo."

Ayon kay Abe Hurayrah, malugod si Allah sa kanya-Hadith na marfu: ((Sinuman ang nakalimot na siya ay nag-aayuno,nakakain siya naka-inom,ipagpatuloy niya ang pag-aayuno niya,dahil ang nagpakain at nagpa-inom sa kanya ay si Allah))

Ayon kay `Ā’ishah, malugod si Allāh sa kanya: "Ang Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ay nagsasagawa noon ng i`tikāf sa huling sampung araw ng Ramaḍān hanggang sa bawiin siya ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan. Pagkatapos ay nagsagawa ng i`tikāf ang mga maybahay niya matapos niya." Sa isang pananalita: "Ang Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ay nagsasagawa noon ng i`tikāf sa bawat Ramaḍān. Kapag nakapagdasal siya ng dasal sa madaling-araw, pumupunta siya sa lugar na nagsasagawa siya ng i`tikāf roon.

Ayon kay `Ā'ishah na Ina ng mga mananampalataya (malugod si Allāh sa kanya): {Ang Sugo ni Allāh noon (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsisipag sa huling sampung araw [ng Ramaḍān] ng hindi niya ipinagsisipag sa iba pa rito.}

Ayon kay `Ā'ishah, malugod si Allāh sa kanya, na nagsabi: "Ang Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, kapag pumasok ang sampung [huling araw ng Ramaḍān], ay nagpupuyat sa gabi, nanggigising ng mag-anak niya, nagpapakasigasig, at naglalaan ng sarili."

Mula kay Abū Sa`īd Al-Khudrīy -malugod si Allah sa kanya- ay nagsabi: Nagsabi ang Sugo ni Allah (pagpalain siya ni Allah at pangalagaan): ((Sinuman ang nag-ayuno sa landas ng Allah ay palalayuin ng Allah ang kanyang mukha mula sa impyerno ng pitumpung taon)).

Abū Hurayrah, malugod si Allāh sa kanya: "Nagtagubilin sa akin ang kaibigang matalik ko, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ng tatlo: pag-aayuno ng tatlong araw sa bawat buwan, dalawang rak`ah ng ḍuḥā, at na magsagawa ako ng witr bago ako matulog."

Ayon kay Anas bin Mālik, malugod si Allāh sa kanya, na nagsabi: Nagsabi ang Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan: "Kumain kayo ng saḥūr sapagkat tunay na sa saḥūr ay may biyaya."

Mula kay Abu Abeed, ang taga-pagtanggol ni Ibn Az-har, ay nagsabi: Nasaksihan ko si Al-eed kasama si Umar Ibn Alkhattab -Malugod si Allah sa kanya-, ay nagsabi: "Itong dalawang araw ay ipinagbawal ng Propeta -Pagpalain siya ni Allah at pangalagaan- ang pag-aayuno sa kanila: araw ng Fitr niyo mula sa pag-ayuno niyo, at ang ibang araw: Kakain kayo sa araw na yan mula sa pag-aalay niyo.