Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya): {Ayon sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsabi: "Walang naibawas ang is...
Naglilinaw ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang kawanggawa ay hindi bumabawas sa yaman, bagkus itinutulak nito palayo roon ang m...
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya): {Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi: "Nagsabi si Allāh: Gumugol k...
Nagpapabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na si Allāh (napakamapagpala Siya at napakataas) ay nagsabi: "Gumugol ka, O anak ni A...
Ayon kay Abū Mas`ūd (malugod si Allāh sa kanya): {Ayon sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsabi: "Kapag gumugol ang lalaki sa ma...
Nagpapabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na kapag gumugol ang lalaki sa mag-anak niya na inoobliga sa kanya ang paggugol sa ka...
Ayon kay Abu Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya): {Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi: "Kapag namatay ang tao, napu...
Nagpabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang gawain ng patay ay napuputol sa pagkamatay niya. Kaya naman hindi natatamo para...
Ayon kay `Umar bin Al-Khaṭṭāb, malugod si Allāh sa kanya: "Ang ginto kapalit ng ginto ay patubo malibang kaliwaan. Ang pilak kapalit ng pilak ay malib...
Nililinaw ng Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, sa ḥadīth na ito ang pamamaraan ng pagbebentang tumpak sa pagitan ng mga uring ito na na...
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya): {Ayon sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsabi: "Walang naibawas ang isang kawanggawa mula sa yaman. Walang naidagdag si Allāh sa isang tao dahil sa pagpapaumanhin kundi karangalan. Walang nagpakumbabang isa man kay Allāh malibang nag-angat sa kanya si Allāh."}
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya): {Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi: "Nagsabi si Allāh: Gumugol ka, O anak ni Adan, gugugol Ako sa iyo."}
Ayon kay Abū Mas`ūd (malugod si Allāh sa kanya): {Ayon sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsabi: "Kapag gumugol ang lalaki sa mag-anak niya habang umaasa siya ng gantimpala dito [ni Allāh], ito para sa kanya ay isang kawanggawa."}
Ayon kay Abu Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya): {Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi: "Kapag namatay ang tao, napuputol sa kanya ang gawa niya maliban sa tatlo: maliban sa isang kawanggawang nagpapatuloy, o isang kaalamang napakikinabangan, o isang anak na maayos na dumadalangin para sa kanya."}
Ayon kay `Umar bin Al-Khaṭṭāb, malugod si Allāh sa kanya: "Ang ginto kapalit ng ginto ay patubo malibang kaliwaan. Ang pilak kapalit ng pilak ay malibang kaliwaan. Ang trigo kapalit ng trigo ay patubo malibang kaliwaan. Ang sebada kapalit ng sebada ay patubo malibang kaliwaan."
Ayon kay `Abdullāh bin `Umar, malugod si Allah sa kanilang dalawa-Hadith na marfu: (( Inoobliga ng Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ang pagbibigay ng Sadaqah Al-fitr-o nagsabi siya: Sa buwang ng Ramadhan-sa kalalakihan at kababaihan,malaya o alipin: Ang isang Saa ng datiles,o isang Saa ng sebada,Nagsabi siya: Itinumbas ito ng mga tao sa kalahating Saa ng trigo,[na inoobliaga] sa mga bata at matanda)) At sa isang pananalita:(( Ito ay ibibigay bago lumabas ang mga tao sa pagdarasal))
Ayon kay `Abdullāh bin Salām (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Noong dumating ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa Madīnah, napasugod ang mga tao sa dako niya at sinabi: "Dumating ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), dumating ang Sugo ni Allāh, dumating ang Sugo ni Allāh" nang tatlong ulit. Kaya dumating ako sa mga tao upang tumingin. Noong nakaaninag ako sa Mukha niya, nalaman ko na ang mukha niya ay hindi isang mukha ng isang palasinungaling. Ang kauna-unahang bagay na narinig ko na sinalita niya ay na nagsabi siya: "O mga tao, magpalaganap kayo ng kapayapaan, magpakain kayo ng pagkain, makipag-ugnayan kayo sa mga kaanak, at magdasal kayo sa gabi habang ang mga tao ay tulog; papasok kayo sa Paraiso nang may kapayapaan."}
Ayon kay Abe Hurayrah malugod si Allah sa kanya,buhat sa Propeta pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ay sinabi niya: Katotohanang si Allah -Pagkataas-taas Niya- ay Napaka-dalisay,at wala Siyang tinatanggap (na gawain) maliban kung ito ay dalisay.At katotohanang si Allah ay nag-utos sa mga mananampalataya tulad ng pag-uutos Niya sa kanyang mga Sugo, Nagsabi Siya-{ Pagkataas-taas Niya;" O kayong mga Sugo! Kumain kayo nang lahat ng Halal o Ipinapahintulot at magsigawa kayo ng kabutihan} [Al-Mu-minoon;51] At sinabi niya: { O Kayong mananampalataya! Magsikain kayo ng mga mabubuti(mga pinapahintulutang) bagay na Aming ibinibiyaya sa inyo} [ Al-Baqarah;172],Pagkatapos ay binanggit niya ang lalaking napakahaba ang linakbay,naging kulot ang buhok nito at puno ng alikabok,at itinataas ang kamay nito sa kalangitan,na nagsasabing!,O Panginoon,O Panginoon! Ngunit ang pagkain nito ay ipinagbabawal,at ang inumin nito ay ipinagbabawal,at ang sinusuot nito ay ipinagbabawal,at ang ipinapakain sa kanya (ng ibang tao) ay ipinagbabawal,Tatanggapin ba sa kanya ang ganito?
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ang sinumang nagpalugit sa nagigipit o nagpatawad sa utang nito, maglililim sa kanya si Allāh sa Araw ng Pagbangon sa ilalim ng lilim ng trono Nito, sa Araw na walang lilim kundi ang lilim Nito."}
Ayon kay Jābir (malugod si Allāh sa kanya): {Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi: "Naawa si Allāh sa isang lalaking mapagparaya kapag nagtinda, kapag bumili, at kapag naningil."}
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya): {Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi: "May isang lalaki noon na nagpapautang sa mga tao saka siya noon ay nagsasabi sa utusan niya: 'Kapag pumunta ka sa isang nagigipit, magpaumanhin ka sa kanya nang harinawa si Allāh ay magpaumanhin sa atin.' Makikitagpo siya kay Allāh saka magpapaumanhin Ito sa kanya."}
Ayon kay Khawlah Al-Anṣārīyah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nakarinig ako sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsasabi: "Tunay na may mga lalaking gumugugol sa yaman ni Allāh nang walang katarungan kaya ukol sa kanila ang Impiyerno sa Araw ng Pagbangon."}