- Ang paghimok sa pagbibigay ng kawanggawa at paggugol alang-alang sa landas ni Allāh.
- Ang paggugol sa mga uri ng kabutihan ay kabilang sa pinakadakila sa mga kadahilanan ng pagpapala sa panustos, pagpapaibayo rito, at pagtutumbas ni Allāh sa tao ng ginugol nito.
- Ang ḥadīth na ito ay kabilang sa isinalaysay ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) tungkol sa Panginoon niya. Tinatawag itong ḥadīth na banal o pandiyos. Ito ang ḥadīth na ang pananalita nito at ang kahulugan nito ay mula kay Allāh, gayon pa man hindi ito nagkaroon ng mga kakanyahan ng Qur'ān na namukod dahil sa mga iyon sa iba pa rito gaya ng pagpapakamananamba sa pamamagitan ng pagbigkas nito, pagsasagawa ng taharah para rito, paghamon ng paglalahad ng tulad nito, paghihimala, at iba pa roon.