- Ang yaman na nasa mga kamay ng mga tao ay yaman ni Allāh. Nag-iwan Siya sa kanila nito upang gumugol sila nito sa mga paraang isinasabatas at umiwas sila sa paggamit nito ayon sa kawalang-kabuluhan. Ito ay pangkalahatan sa mga tagapamahala at iba pa sa kanila kabilang sa nalalabi sa mga tao.
- Ang paghihigpit ng Batas ng Islām kaugnay sa pampublikong yaman na ang sinumang nang-umit mula rito ng anuman ay tunay na siya tutuusin sa Araw ng Pagbangon sa pagbubuwis niya at paggugol niya.
- Napaloloob sa bantang ito ang sinumang gumagamit nang paggamit na hindi legal sa yaman, maging ito man ay yaman niya o yaman ng iba pa sa kanya.