Ayon kay Abū Hurayrah, malugod si Allāh sa kanya: "Walang may-ari ng ginto ni ng pilak, na hindi nagbibigay mula rito ng tungkulin dito, na hindi magtatapal sa kanya ng mga plantsa ng apoy kapag Araw na ng Pagkabuhay, magpapaningas sa mga ito sa apoy ng Impiyerno, at maghehero sa pamamagitan ng mga ito sa tagiliran niya, noo niya, at likod niya. Sa tuwing lumamig ang mga ito, uulitin sa kanya sa loob ng isang araw na ang haba ay limampung libong taon hanggang sa humatol sa pagitan ng mga tao, kaya makikita niya ang landas niya na maaaring patungo sa Paraiso o patungo sa Impiyerno." Sinabi: "O Sugo ni Allāh, at ang mga kamelyo po?" Nagsabi siya: "Walang may-ari ng mga kamelyo, na hindi nagbibigay mula rito ng tungkulin mula sa mga ito - at kabilang sa mga tungkulin sa mga ito ang pagpapagatas sa mga ito sa araw ng pag-inom ng mga ito - na hindi isusubsob dahil sa mga ito kapag Araw na ng Pagkabuhay sa kapatagan ng disyerto. Pagkataba-taba ang mga ito, walang mawawala sa mga ito ni iisang inawat na kamelyo. Aapakan siya ng mga ito ng mga paa ng mga ito at kakagatin siya ng mga ito ng mga bibig ng mga ito. Sa tuwing nakadaan sa kanya ang una sa mga ito, ibabalik sa kanya ang huli sa mga ito sa loob ng isang araw na ang haba ay limampung libong taon hanggang sa humatol sa pagitan ng mga tao, kaya makikita niya ang landas niya na maaaring patungo sa Paraiso o patungo sa Impiyerno." Sinabi: "O Sugo ni Allāh, at ang mga baka at ang mga tupa po?" Nagsabi siya: "Walang may-ari ng mga baka ni ng mga tupa, na hindi nagbibigay mula rito ng tungkulin mula sa mga ito, na hindi isusubsob dahil sa mga ito kapag Araw na ng Pagkabuhay sa kapatagan ng disyerto. Walang mawawala sa mga ito ni anuman. Wala sa mga itong mga may mga sungay na pilipit, wala sa mga itong mga walang sungay, at wala sa mga itong mga may mga sungay na putol. Susuwagin siya ng mga ito ng mga sungay ng mga ito at aapakan siya ng mga ito ng mga paa ng mga ito. Sa tuwing nakadaan sa kanya ang una sa mga ito, ibabalik sa kanya ang huli sa mga ito sa loob ng isang araw na ang haba ay limampung libong taon hanggang sa humatol sa pagitan ng mga tao, kaya makikita niya ang landas niya na maaaring patungo sa Paraiso o patungo sa Impiyerno." Sinabi: "O Sugo ni Allāh, at ang mga kabayo po?" Nagsabi siya: "Ang mga kabayo ay tatlo: ang mga ito para sa isang tao ay pabigat, ang mga ito para sa isang tao ay panakip, at ang mga ito para sa isang tao ay pang-upa. Tungkol naman sa ang mga ito para sa kanya ay pabigat, [siya ay] isang lalaking nagtali ng mga ito bilang pakita, pagyayabang, at pangangaway sa mga alagad ng Islam. Kaya ang mga ito para sa kanya ay pabigat. Tungkol naman sa ang mga ito para sa kanya ay panakip, [siya ay] isang lalaking nagtali ng mga ito alang-alang sa landas ni Allāh. Pagkatapos ay hindi niya kinalimutan ang karapatan ni Allāh hinggil sa mga likod ng mga ito ni sa mga leeg ng mga ito. Kaya ang mga ito para sa kanya ay panakip. Tungkol naman sa ang mga ito para kanya ay pang-upa, [siya ay] isang lalaking nagtali ng mga ito alang-alang sa landas ni Allāh para sa mga alagad ng Islam sa isang pastulan o isang kaparangan. Walang kinain ang mga ito mula sa pastulan o kaparangang iyon na anuman malibang tatalaan para sa kanya ng bilang ng kinain ng mga ito bilang mga magandang gawa at tatalaan para sa kanya ng bilang ng mga dumi ng mga ito at ng mga ihi ng mga ito bilang mga magandang gawa. Walang pinutol ang mga ito na suga ng mga ito at hinila sa isang mataas na lupa o sa dalawang mataas na lupa malibang magtatala si Allāh para sa kanya ng bilang ng mga bakas ng mga ito at ng mga dumi ng mga ito bilang mga magandang gawa. Hindi idinaan ang mga ito ng may-ari ng mga ito sa isang ilog at uminom ang mga ito mula roon, gayong hindi niya ninanais na painumin ang mga ito, malibang magtatala si Allāh para sa kanya ng bilang ng ininom ng mga ito bilang mga magandang gawa." Sinabi: "O Sugo ni Allāh, at ang mga asno po?" Nagsabi siya: "Hindi nagpababa sa akin hinggil sa mga asno ng anuman maliban sa talatang namumukod na masaklaw na ito (Qur'ān 99:7-8): Kaya ang sinumang gumawa ng kasimbigat ng isang munting langgam na kabutihan ay makikita niya iyon; at ang sinumang gumawa ng kasimbigat ng isang munting langgam na kasamaan ay makikita niya iyon."