Ayon kay `Abdullāh bin Khubayb, malugod si Allāh sa kanya, na nagsabi: Nagsabi sa akin ang Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan: "Big...
Nagsaad ang ḥadīth na ito ng panutong pampropetang natatangi, at ng humihimok sa Muslim sa pagkapit sa pag-aalaala kay Allāh, pagkataas-taas Niya, sap...
Ayon kay `Ā’ishah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nawalay ako sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) isang gabi mula sa hi...
Nagsabi si `Ā’ishah (malugod si Allāh sa kanya): "Ako minsan ay natutulog sa tabi ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) saka nawalay ako...
Ayon kay Samurah bin Jundub (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ang pinakakai...
Naglilinaw ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang pinakakaibig-ibig na pangungusap para kay Allāh (napakataas Siya) ay apat:
Su...
Ayon kay Abū Ayyūb (malugod si Allāh sa kanya): {Ayon sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan)' na nagsabi: "Ang sinumang nagsabi ng Lā ilā...
Nagpabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang sinumang nagsabi ng Lā ilāha illa –llāhu waḥdahu lā sharīka lah, lahu –lmulku...
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya): {Ayon sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsabi: "May dalawang pangungusap na...
Nagpabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) tungkol sa dalawang pangungusap na mabibigkas ng tao nang walang hirap at sa bawat kala...
Ayon kay `Abdullāh bin Khubayb, malugod si Allāh sa kanya, na nagsabi: Nagsabi sa akin ang Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan: "Bigkasin mo ang Qul huwa -llāhu aḥad (Sūrah 112) at ang dalawang ipinampapakupkop (Sūrah 113 at Sūrah 114) kapag gumabi at kapag nagmadaling-araw nang tatlong ulit, sasapat ang mga ito sa iyo sa bawat bagay."
Ayon kay `Ā’ishah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nawalay ako sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) isang gabi mula sa higaan. Kinapa ko siya saka bumagsak ang kamay ko sa talampakan ng mga paa niya habang siya ay nasa masjid habang ang dalawang ito ay nakatukod habang siya ay nagsasabi: "Allāhumma, innī a`ūdhu bi-riḍāka min sakhaṭika, wa-bimu`āfātika min `uqūbatika, wa-a`ūdhu bika minka; lā uhṣī thanā’an `alayka, anta kamā athnayta `alā nafsika. (O Allāh, tunay na ako ay nagpapakupkop sa pagkalugod Mo laban sa pagkayamot Mo at sa pagpapaumanhin Mo laban sa pagpaparusa Mo at nagpapakupkop sa Iyo laban sa Iyo. Hindi ako nakabibilang ng pagbubunyi sa Iyo. Ikaw ay kung paanong nagbunyi Ka sa sarili Mo.)"}
Ayon kay Samurah bin Jundub (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ang pinakakaibig-ibig na pangungusap para kay Allāh ay apat: Subḥāna -llāh (Kaluwalhatian kay Allāh), Alḥmadu lillāh (Ang papuri ay ukol kay Allāh), Lā ilāha illa llāh (Walang Diyos kundi si Allāh), at Allāhu akbar (Si Allāh ay pinakadakila).
Hindi makapipinsala sa iyo kung sa alin man sa mga ito nagsimula ka."}
Ayon kay Abū Ayyūb (malugod si Allāh sa kanya): {Ayon sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan)' na nagsabi: "Ang sinumang nagsabi ng Lā ilāha illa –llāhu waḥdahu lā sharīka lah, lahu –lmulku wa-lahu –lḥamd, wa-huwa `alā kulli shay'in qadīr (Walang Diyos kundi si Allāh — tanging Siya: walang katambal sa Kanya. Ukol sa Kanya ang paghahari at ukol sa Kanya ang papuri. Siya sa bawat bagay ay Makapangyarihan) nang sampung ulit, siya ay naging gaya ng sinumang nagpalaya ng apat na tao kabilang sa mga anak ni Ismael."}
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya): {Ayon sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsabi: "May dalawang pangungusap na magaan sa dila, na mabigat sa timbangan [ang gantimpala], na kaibig-ibig sa Napakamaawain: Subḥana –llāhi –l-`aḍ̆īm (Kaluwalhatian kay Allāh, ang Sukdulan) at Subḥana –llāhi wa-biḥamdih (Kaluwalhatian kay Allāh at kalakip ng papuri sa Kanya)."}
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya): {Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi: "Ang sinumang nagsabi ng Subḥāna llāhi wa-biḥamdihi (Kaluwalhatian kay Allāh at kalakip ng papuri sa Kanya) nang isandaang ulit sa isang araw, aalisin sa kanya ang mga kamalian niya kahit pa ang mga ito ay tulad [ng dami] ng mga bula ng dagat."}
Ayon kay Abū Mālik Al-Ash`arīy (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ang pagkadalisay ay kalahati ng pananampalataya. Ang [pagsasabi ng:] alḥamdu lillāh (ang papuri ay ukol kay Allāh) ay pupuno sa timbangan [ng mga gawa]. Ang [pagsasabi ng:] subḥāna –llāh (kaluwalhatian kay Allāh) at alḥamdu lillāh (ang papuri ay ukol kay Allāh) ay pupuno sa nasa pagitan ng mga langit at lupa. Ang pagdarasal ay liwanag. Ang kawanggawa ay patotoo. Ang pagtitiis ay tanglaw. Ang Qur'ān ay katwiran para sa iyo o laban sa iyo. Ang bawat isa sa mga tao ay maagang lumilisan saka nagtitinda ng sarili niya kaya nagpapalaya nito o nagpapahamak nito."}
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ang magsabi ako ng subḥāna –llāh (kaluwalhatian kay Allāh), alḥamdu lillāh (ang papuri ay ukol kay Allāh), lā ilāha illa –llāh (Walang Diyos kundi si Allāh), at Allāhu akbar (si Allāh ay pinakadakila) ay higit na kaibig-ibig sa akin kaysa sa anumang sinikatan ng araw."}
Ayon kay Jābir (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nakarinig ako sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsasabi: "Ang pinakamainam na pag-alaala [kay Allāh] ay Lā ilāha illa -llāh (Walang Diyos kundi si Allāh) at ang pinakamainam na panalangin ay Alḥamdu lillāh (Ang papuri ay ukol kay Allāh)."}
Ayon kay Khawlah bint Ḥakīm As-Sulamīyah na nagsabi: {Nakarinig ako sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsasabi: "Ang sinumang tumuloy sa isang tuluyan pagkatapos nagsabi ng: A`ūdhu bi-kalimāti -llāhi -ttāmmāti min sharri mā khalaq (Nagpapakupkop ako sa mga ganap na salita ni Allāh laban sa kasamaan ng anumang nilikha Niya), hindi siya pipinsalain ng anuman hanggang sa lumisan siya sa tuluyan niyang iyon."}
Ayon kay Abū Ḥumayd o ayon kay Abū Usayd na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Kapag pumasok ang isa sa inyo sa masjid, magsabi siya ng: Allāhumma –ftaḥ lī abwāba raḥmatik (O Allāh, magbukas Ka para sa akin ng mga pinto ng awa Mo). Kapag lumabas siya, magsabi siya ng: Allāhumma innī as'aluka min faḍlik (O Allāh, tunay na ako ay humihingi sa Iyo mula sa kabutihang-loob Mo)."}
Ayon kay Jābir bin `Abdillāh (malugod si Allāh sa kanilang dalawa): {Siya ay nakarinig sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsasabi: "Kapag pumasok ang lalaki sa bahay nito saka bumanggit siya kay Allāh sa sandali ng pagpasok niya at sa sandali ng pagkain niya, magsasabi ang Demonyo [sa mga kampon nito]: 'Walang pagmamagdamagan para sa inyo at walang hapunan para sa inyo.' Kapag naman pumasok siya saka hindi siya bumanggit kay Allāh sa sandali ng pagpasok niya, magsasabi ang Demonyo [sa mga kampon nito]: 'Nakamit ninyo ang pagmamagdamagan.' Kapag hindi siya bumanggit kay Allāh sa sandali ng pagkain niya, magsasabi ito: 'Nakamit ninyo ang pagmamagdamagan at ang hapunan.'"}