/ Ang magsabi ako ng subḥāna –­llāh (kaluwalhatian kay Allāh), alḥamdu lillāh (ang papuri ay ukol kay Allāh), lā ilāha illa –­llāh (Walang Diyos kundi si Allāh), at Allāhu akbar (si Allāh ay pinakadakila) ay higit na kaibig-ibig sa akin kaysa...

Ang magsabi ako ng subḥāna –­llāh (kaluwalhatian kay Allāh), alḥamdu lillāh (ang papuri ay ukol kay Allāh), lā ilāha illa –­llāh (Walang Diyos kundi si Allāh), at Allāhu akbar (si Allāh ay pinakadakila) ay higit na kaibig-ibig sa akin kaysa...

Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ang magsabi ako ng subḥāna –­llāh (kaluwalhatian kay Allāh), alḥamdu lillāh (ang papuri ay ukol kay Allāh), lā ilāha illa –­llāh (Walang Diyos kundi si Allāh), at Allāhu akbar (si Allāh ay pinakadakila) ay higit na kaibig-ibig sa akin kaysa sa anumang sinikatan ng araw."}
Nagsalaysay nito si Imām Muslim

Ang pagpapaliwanag

Nagpapabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang pag-alaala kay Allāh sa pamamagitan ng mga dakilang pangungusap na ito ay higit na mabuti kaysa sa Mundo at anumang narito. Ang mga ito ay: Ang "subḥāna –­llāh (kaluwalhatian kay Allāh)": isang pagpapawalang-kinalaman kay Allāh sa mga kakulangan; Ang "alḥamdu lillāh (ang papuri ay ukol kay Allāh)": isang pagbubunyi sa Kanya sa pamamagitan ng mga katangian ng kalubusan kasama ng pag-ibig sa Kanya at pagdakila sa Kanya; Ang "lā ilāha illa –­llāh (Walang Diyos kundi si Allāh)": Walang sinasamba ayon sa karapatan kundi si Allāh; Ang "Allāhu akbar (si Allāh ay pinakadakila)": higit na dakila at higit na kapita-pitagan kaysa sa bawat bagay.

Hadeeth benefits

  1. Ang paghimok sa pag-alaala kay Allāh at na ito ay higit na kaibig-ibig kaysa sa sinikatan ng araw.
  2. Ang pag-udyok sa pagpaparami ng pagsambit ng dhikr dahil sa dulot nito na pabuya at kainaman.
  3. Ang natatamasa sa Mundo ay kaunti at ang mga ninanasa rito ay naglalaho.