- Ang paghiling ng pagkupkop ay isang pagsamba. Ito ay sa pamamagitan ni Allāh (napakataas Siya) o sa pamamagitan ng mga pangalan Niya at mga katangian Niya.
- Ang pagpayag sa paghiling ng pagkupkop sa pamamagitan ng salita ni Allāh dahil ito ay isang katangian kabilang sa mga katangian Niya (kaluwalhatian sa Kanya), na salungat sa paghiling ng pagkupkop sa alinmang nilikha sapagkat iyon ay Shirk.
- Ang kainaman ng panalanging ito at ang pagpapala nito.
- Ang pagpapasanggalang sa mga dhikr ay isang kadahilanan ng pagsanggalang sa tao laban sa mga kasamaan.
- Ang pagpapawalang-saysay sa paghiling ng pagkukupkop sa iba pa kay Allāh gaya ng mga jinn, mga manggagaway, mga manunuba, at iba pa sa kanila.
- Ang pagkaisinasabatas ng panalanging ito para sa sinumang nanuluyan sa isang lugar sa panahon ng paninirahan o paglalakbay.