Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya): {Ayon sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsabi: "Ang sinumang sumasampa...
Naglinaw ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang lingkod na mananampalataya kay Allāh at sa Huling Araw na tungo roon ang pangako s...
Ayon kay Abū Dharr (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi sa akin ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Huwag ka ngang magma...
Humimok ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ng paggawa ng nakabubuti at na hindi magmaliit nito kahit pa man ito ay kaunti. Kabilang d...
Ayon kay `Abdullāh bin Mas`ūd (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Manatil...
Nag-utos ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ng pagpapakatapat. Nagpabatid siya na ang pananatili rito ay nagpaparating sa maayos na p...
Ayon kay Jarīr bin `Abdillāh (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ang sinuman...
Naglilinaw ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang hindi naaawa sa mga tao ay hindi maaawa sa kanya si Allāh (kamahal-mahalan Siya...
Ayon kay `Abdullāh bin `Amr (malugod si Allāh sa kanilang dalawa): {Ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi: "Ang mga naaawa a...
Naglilinaw ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang mga naaawa sa iba ay kaaawaan ng Napakamaawain sa pamamagitan ng awa Niya na sum...

Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya): {Ayon sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsabi: "Ang sinumang sumasampalataya kay Allāh at sa Huling Araw ay magsabi siya ng mabuti o manahimik siya. Ang sinumang sumasampalataya kay Allāh at sa Huling Araw ay magparangal siya sa kapitbahay niya. Ang sinumang sumasampalataya kay Allāh at sa Huling Araw ay magparangal siya sa panauhin niya."}

Ayon kay Abū Dharr (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi sa akin ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Huwag ka ngang magmamaliit mula sa nakabubuti ng anuman, kahit man lamang na sumalubong ka sa kapatid mo nang may maaliwalas na mukha."}

Ayon kay `Abdullāh bin Mas`ūd (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Manatili kayo sa katapatan sapagkat tunay na ang katapatan ay pumapatnubay tungo sa pagsasamabuting-loob at tunay na ang pagsasamabuting-loob ay pumapatnubay tungo sa Paraiso. Hindi natitigil ang tao na nagpapakatapat at naghahangad ng katapatan hanggang sa itala siya sa ganang kay Allāh bilang napakatapat. Kaingat kayo sa pagsisinungaling sapagkat tunay na ang pagsisinungaling ay pumapatnubay tungo sa pagsasamasamang-loob at tunay na ang pagsasamasamang-loob ay pumapatnubay tungo sa Impiyerno. Hindi natitigil ang tao na nagsisinungaling at naghahangad ng kasinungalingan hanggang sa itala siya sa ganang kay Allāh bilang palasinungaling."}

Ayon kay Jarīr bin `Abdillāh (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ang sinumang hindi naaawa sa mga tao ay hindi maaawa sa kanya si Allāh (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan)."}

Ayon kay `Abdullāh bin `Amr (malugod si Allāh sa kanilang dalawa): {Ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi: "Ang mga naaawa ay kaaawaan sila ng Napakamaawain. Kaawaan ninyo ang mga naninirahan sa lupa, kaaawaan kayo Niyang nasa langit."}

Ayon kina `Abdullāh bin `Amr at Jābir bin `Abdullāh, malugod si Allah sa kanilang dalawa: "Ang Muslim ay ang sinumang ligtas ang mga Muslim mula sa dila niya at kamay niya. Ang lumilikas ay ang sinumang umiwan ng ipinagbawal ni Allah." Ayon kay Abū Mūsā, malugod si Allah sa kanya, na nagsabi: "Nagsabi ako: 'O Sugo ni Allah, alin sa mga Muslim ang pinakamainam?' Nagsabi siya: 'Ang sinumang ligtas ang mga Muslim mula sa dila niya at kamay niya.'"

Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nakarinig ako sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsasabi: "Ang karapatan ng Muslim sa Muslim ay lima: ang pagtugon sa pagbati, ang pagdalaw sa maysakit, ang pagdalo sa libing, ang pagtugon sa paanyaya, at ang pagsambit ng tashmīt sa bumahin."}

Ayon kay `Abdullāh bin `Amr Al-`Āṣṣ, malugod si Allah sa kanilang dalawa: "Na may isang lalaking nagtanong sa Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan: Aling Islam ang pinakamabuti? Nagsabi siya: Magpakain ka ng pagkain at bumati ka ng kapayapaan sa sinumang kilala mo at hindi mo kilala."

Ayon kay Abē Hurayrah malugod si Allah sa kanya-Nagsabi siya:Nagsabi Ang Sugo ni Allah pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-:Gusto niyo bang ipatnubay ko sa inyo Ang mga gawain na patatawarin sa inyo ni Allah dahil dito Ang mga kasalanan at itataas dahil dito ang inyong mga antas?)) Nagsabi sila: Oo , O Sugo ni Allah, Nagsabi siya:((Paglagom ng Wudhū sa mga kinamumunghian, at pagpaparami ng mga Hakbang sa Masjid,at paghihintayng dasal pagkatapos ng dasal,ito para sa inyo ang Pagbabantay [para sa daan ni Allah]))

Ayon kay Abū Hurayrah, malugod si Allah sa kanya.sa Hadith na Marfu-Ang Mananampalatayang malakas ay higit na mainam at kaibig-ibig kay Allah kaysa mananampalatayang mahina at sa lahat ng kabutihan,Magsumikap ka sa mga bagay na makakapag-pakinabang sa iyo,at Humiling ka ng tulong kay Allah at huwag kang mawalan ng pag-asa,at kapag dumating sa iyo ang pagsubok,Huwag mong sabihing;Kung ginawa ko lamang ito,di sana ay magiging ganito at ganito,Ngunit sabhin mong ;Ito ay itinakda ni Allah,at ang anumang ibigin Niya ay magaganap,Sapagkat ang [salitang] Kung;ay nagbubukas sa mga gawain ni Satanas.

Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Makipaglapitan kayo [sa mabuti], magtama kayo, at umalam kayo na walang maliligtas na isa man mula sa inyo dahil sa gawa niya." Nagsabi sila: "O Sugo ni Allāh, ni ikaw?" Nagsabi siya: "Ni ako, maliban na lumipos sa akin si Allāh ng isang awa mula sa Kanya at isang kabutihang-loob."}

Ayon sa Anak ni `Umar (malugod si Allāh sa kanilang dalawa) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Hindi tumigil na nagtatagubilin sa akin si Gabriel hinggil sa kapitbahay hanggang sa nagpalagay ako na siya ay magpapamana rito."}