- Ang katapatan ay isang marangal na kaasalang natatamo sa pamamagitan ng pagkamit at pagsisikap sapagkat tunay na ang tao ay hindi tumitigil na nagpapakatapat at naghahangad ng katapatan hanggang sa ang katapatan ay maging isang katutubong gawi para sa kanya at isang kalikasan kaya itatala siya sa ganang kay Allāh na kabilang sa mga napakatapat at mga mabuting-loob.
- Ang pagsisinungaling ay isang kapula-pulang kaasalan na nakakamit ng tagapagtaglay nito mula sa tagal ng pagsasagawa nito at paghahangad nito sa sinasabi at ginagawa, hanggang sa ito ay maging isang kaasalan at isang katutubong gawi, pagkatapos itatala siya sa ganang kay Allāh (napakataas Siya) na kabilang sa mga palasinungaling.
- Ang katapatan ay itinataguri sa katapatan ng dila, na salungat ng kasinungalingan. Ang katapatan ay nasa layunin, ang pagpapakawagas. Ang katapatan ay nasa pagtitika sa isang kabutihang nilayon. Ang katapatan ay nasa mga gawain. Ang pinakamababa nito ay pagkakapantay ng lihim dito at hayagan dito. Ang katapatan ay nasa mga sitwasyon, gaya ng katapatan sa pangamba, pag-asa, at iba pa sa dalawang ito. Kaya ang sinumang nailarawan sa gayon, siya ay napakatapat; o sa ilan sa mga ito, siya ay tapat.