Ayon sa Anak ni `Umar (malugod si Allāh sa kanilang dalawa): {Ayon sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsabi: "Gupitin ninyo ang m...
Nag-uutos ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na magbawas ng bigote at huwag itong hayaan; bagkus gupitan ito at magpakalabis-labis do...
Ayon kay Abū Sa`īd, malugod si Allah sa kanya: Ang Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, ay nagsabi: "Hindi titingin ang lalaki sa ka...
Hindi titingin ang babae sa kahubaran ng babae. Ito ay pagbabawal para sa babae na tumingin sa kahubaran ng tinitingnang babae. Kung sakaling naitakda...
Ayon kay `Abdullāh bin `Amr (malugod si Allāh sa kanilang dalawa) na nagsabi: {Ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay hindi naging mah...
Hindi naging bahagi ng mga kaasalan ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ang pangit na pananalita o ang pangit na gawain at hindi siya n...
Ayon kay `Ā'ishah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nakarinig ako sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsasabi: "Tunay...
Naglinaw ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang kagandahan ng kaasalan ay nagpapaabot sa tagapagtaglay nito sa katayuan ng tagapag...
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ang pinakalubos sa...
Nagpapabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang pinakalubos sa mga tao sa pananampalataya ay ang sinumang gumanda ang kaasalan...
Ayon sa Anak ni `Umar (malugod si Allāh sa kanilang dalawa): {Ayon sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsabi: "Gupitin ninyo ang mga bigote at hayaan ninyo ang mga balbas."}
Ayon kay Abū Sa`īd, malugod si Allah sa kanya: Ang Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, ay nagsabi: "Hindi titingin ang lalaki sa kahubaran ng lalaki, ni ang babae sa kahubaran ng babae. Hindi tatabi ang lalaki sa lalaki sa iisang kumot, ni tatabi ang babae sa babae sa iisang kumot."
Ayon kay `Abdullāh bin `Amr (malugod si Allāh sa kanilang dalawa) na nagsabi: {Ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay hindi naging mahalay ni nagpapakahalay. Siya noon ay nagsasabi: "Tunay na kabilang sa mga pinakamabuti sa inyo ay ang pinakamaganda sa inyo sa mga kaasalan."}
Ayon kay `Ā'ishah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nakarinig ako sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsasabi: "Tunay na ang mananampalataya ay talagang makaaabot sa pamamagitan ng kagandahan ng kaasalan niya sa antas ng nag-aayuno na nagdarasal [pa sa gabi]."}
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ang pinakalubos sa mga mananampalataya sa pananampalataya ay ang pinakamaganda sa kanila sa kaasalan. ِAng pinakamabuti sa inyo ay ang pinakamabuti sa inyo sa mga kababaihan nila."}
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Tinanong ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) tungkol sa pinakamadalas magpapapasok sa mga tao sa Paraiso, kaya naman nagsabi siya: "Ang pangingilag magkasala kay Allāh at ang kagandahan ng kaasalan." Tinanong siya tungkol sa pinakamadalas magpapapasok sa mga tao sa Impiyerno, kaya naman nagsabi siya: "Ang bibig at ang ari."}
Ayon kay Anas bin Mālik (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: "Ang Sugo ni Allāh (basbasan Niya ito at pangalagaan) ay ang pinakamaganda sa mga tao sa kaasalan."}
Nagsabi si Sa`d bin Hishām bin Āmir noong pumasok siya sa kinaroroonan ni `Ā'ishah (malugod si Allāh rito): {O Ina ng mga Mananampalataya, magbalita ka sa akin tungkol sa kaasalan ng Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan). Nagsabi ito: "Hindi mo ba binibigkas ang Qur'ān?" Nagsabi ako: "Opo." Nagsabi ito: "Tunay na ang kaasalan ng Propeta ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay ang Qur'ān."}
Ayon kay `Ā'ishah na ina ng mga mananampalataya (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay napagagalak sa pagkakanan sa pagsasandalyas niya, pagsusuklay niya, at pagdadalisay niya, at sa pumapatungkol sa kanya sa kabuuan nito.}
Ayon kay Shaddād bin Aws (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {May dalawang naisaulo ko buhat sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsabi: "Tunay na si Allāh ay nagsatungkulin ng pagpapaganda sa bawat bagay. Kaya kapag pumatay kayo, pagandahin ninyo ang pagkapatay. Kapag kumatay kayo, pagandahin ninyo ang pagkatay. Hasain ng isa sa inyo ang patalim niya saka bigyang-kapahingahan niya ang kakatayin niya."}
Ayon kay `Abdullāh bin `Amr (malugod si Allāh sa kanilang dalawa) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Tunay na ang mga nagpapakamakatarungan ay sa piling ni Allāh sa mga pulpito ng liwanag sa dakong kanan ng Pinakamaawain (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan) – at ang kapwa mga kamay niya ay kanan. [Sila] ang mga nagmamakatarungan sa hatol nila, mga mag-anak nila, at tinangkilik nila."
Ayon kay Abū Sa`īd Al-Khudrīy (malugod si Allāh sa kanya): {Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi: "Walang pamiminsala at walang pakikipagpinsalaan. Ang sinumang nakipagpinsalaan, mamiminsala sa kanya si Allāh; at ang sinumang nakipagpahirapan, magpapahirap si Allāh sa kanya."