- Kailangan sa mananampalataya na lumayo sa pagkamahalay kabilang sa masagwang pananalita at pangit na gawain.
- Ang kalubusan ng kaasalan ng Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sapagkat walang namumutawi sa kanya kundi ang maayos na gawa at kaaya-ayang salita.
- Ang kagandahan ng kaasalan ay isang larangan ng pagpapaligsahan sapagkat ang sinumang nagwagi ay naging kabilang sa mga pinakamabuti sa mga mananampalataya at pinakalubos sa kanila sa pananampalataya.