- Nagsabi si Imām An-Nawawīy: Ito ay isang panuntunang nagpapatuloy sa Batas. Ito ay na ang anumang naging kabilang sa bahagi ng pagpaparangal at pagpapadignidad gaya ng pagsusuot ng kasuutan, pantalon, at sapatos, pagpasok sa masjid; paggamit ng siwāk; paggamit ng kohl; pagputol ng mga kuko; paggupit ng bigote; pagsusuklay ng buhok; pagbunot ng buhok sa kilikili; pag-ahit ng ulo; pagsasagawa ng taslīm sa ṣalāh; paghuhugas ng mga bahaging pinagsasagawaan ng taharah; paglabas mula sa palikuran; pagkain at pag-inom; pakikipagkamayan; pagturo sa Batong Itim (Ḥajar Aswad); at iba pa rito kabilang sa kahulugan nito, na isinakaibig-ibig ang pagkakanan dito. Hinggil naman sa kabaliktaran nito gaya ng pagpasok sa palikuran; paglabas mula sa masjid; pagsinga; pag-iwang; paghubad ng kasuutan, pantalon, at sapatos; at anumang nakawangis nito, isinakaibig-ibig ang pagkakaliwa rito. Iyon sa kabuuan niyon ay dahil sa karangalan ng kanan at dignidad nito.
- Ang "napagagalak ng pagkakanan" ay sumasaklaw sa pagsisimula sa mga gawain sa pamamagitan ng kanang kamay, kanang paa, at kanang tagiliran; at pagkuha ng anuman sa pamamagitan ng kanan.
- Nagsabi si Imām An-Nawawīy: Alamin mo na mayroon sa mga bahaging pinagsasagawaan ng wuḍū' ang hindi isinakaibig-ibig dito ang pagkakanan: ang mga tainga, ang mga palad, at ang mga pisngi; bagkus hinuhugasan nang sabayan; ngunit kung naging imposible iyon gaya ng sa panig ng naputulan ng bahagi ng katawan at tulad nito, uunahin niya ang kanan.