- Ang pagsaway laban sa pakikipaggantihan ng higit sa katulad.
- Hindi nag-utos si Allāh sa mga lingkod Niya ng anumang pipinsala sa kanila.
- Ang pagbabawal sa kapinsalaan at pamiminsala sa sinasabi o ginagawa o pagwawaksi.
- Ang ganti ay kabilang sa uri ng gawain. Kaya ang sinumang nakikipagpinsalaan ay makikipagpinsalaan sa kanya si Allāh at ang sinumang nakipagpahirapan ay makikipagpahirapan sa kanya si Allāh.
- Kabilang sa mga tuntunin ng Batas ng Islām na ang kapinsalaan ay inaalis kaya naman ang Batas ng Islām ay hindi tumatanggap sa kapinsalaan at nagkakaila ng pagpinsala.