Ayon kay Abū Ad-Dardā' (malugod si Allāh sa kanya): {Ayon sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsabi: "Ang sinumang nagsanggalang...
Nagpapabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang sinumang nagtanggol sa dangal ng kapatid niyang Muslim sa sandali ng pagkaliba...
Ayon kay Anas (malugod si Allāh sa kanya): {Ayon sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsabi: "Hindi sumasampalataya ang isa sa inyo...
Naglinaw ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na hindi naisasakatotohanan ang kumpletong pananampalataya para sa isa sa mga Muslim hang...
Ayon kay `Ā'ishah (malugod si Allāh sa kanya), na maybahay ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): {Ayon sa Propeta (basbasan siya ni Allā...
Naglilinaw ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang kabanayaran, ang kalumanayan, at ang pagpapakahinay-hinay sa pagsasabi at paggaw...
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya): {Ayon sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsabi: "Ang Relihiyong Islām ay maga...
Naglinaw ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang Relihiyong Islām ay nakabatay sa pagpapagaan at kadalian sa lahat ng mga pumapatun...
Ayon kay Anas bin Mālik (malugod si Allāh sa kanya): {Ayon sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsabi: "Magpadali kayo at huwag ka...
Nag-uutos ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ng pagpapagaan at pagpapadali sa mga tao at hindi pagpapahirap sa kanila sa lahat ng mga...
Ayon kay Abū Ad-Dardā' (malugod si Allāh sa kanya): {Ayon sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsabi: "Ang sinumang nagsanggalang sa dangal ng kapatid niya, magsasanggalang si Allāh sa mukha niya sa Apoy sa Araw ng Pagbangon."}
Ayon kay Anas (malugod si Allāh sa kanya): {Ayon sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsabi: "Hindi sumasampalataya ang isa sa inyo hanggang sa ibigin niya para sa kapatid niya ang iniibig niya para sa sarili niya."}
Ayon kay `Ā'ishah (malugod si Allāh sa kanya), na maybahay ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): {Ayon sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsabi: "Tunay na ang kabanayaran ay hindi nagiging nasa isang bagay malibang gumagayak ito roon at hindi naaalis ito mula sa isang bagay malibang nagpapapangit ito roon."}
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya): {Ayon sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsabi: "Ang Relihiyong Islām ay magaan. Hindi makikipagmatigasan sa Relihiyong Islām ang isa malibang mananaig ito sa kanya. Kaya magtama kayo, makipaglapit kayo, magalak kayo, at magpatulong kayo [kay Allāh] sa umaga, hapon, at isang bahagi ng gabi."}
Ayon kay Anas bin Mālik (malugod si Allāh sa kanya): {Ayon sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsabi: "Magpadali kayo at huwag kayong magpahirap, at magpagalak kayo at huwag kayong magpalayo ng loob."}
Ayon kay Anas (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Kami minsan ay nasa piling ni `Umar saka nagsabi siya: "Sinaway kami laban sa pagpapakahirap-hirap."}
Ayon sa Anak ni `Umar (malugod si Allāh sa kanilang dalawa): {Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi: "Kapag kumain ang isa sa inyo, kumain siya sa pamamagitan ng kanang kamay niya; at kapag uminom siya, uminom siya sa pamamagitan ng kanang kamay niya; sapagkat tunay na ang demonyo ay kumakain sa pamamagitan ng kaliwang kamay niya at umiinom sa pamamagitan ng kaliwang kamay niya."}
Ayon kay `Umar bin Abī Salamah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Ako noon ay isang batang lalaking nasa pangangalaga ng Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan). Minsan, ang kamay ko ay naglilikot sa plato, kaya nagsabi sa akin ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "O bata, sumambit ka ng ngalan ni Allāh, kumain ka sa pamamagitan ng kanang kamay mo, at kumain ka mula sa nalalapit sa iyo." Kaya hindi natigil iyon bilang [paraan ng] pagkain ko matapos niyon.}
Ayon kay Anas bin Mālik (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Tunay na si Allāh ay talagang nalulugod sa tao na kumain ito ng pagkain para magpuri sa Kanya dahil doon o uminom ito ng inumin para magpuri sa Kanya dahil doon."}
Ayon kay Salamah bin Al-Akwa`, malugod si Allāh sa kanya: May isang lalaking kumain sa piling ng Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, gamit ang kaliwa niya kaya nagsabi siya: "Kumain ka gamit ang kanan mo." Nagsabi ito: "Hindi ko po nakakaya." Nagsasabi siya: "Hindi mo nawa makaya!" Walang pumigil sa kanya kundi ang pagmamalaki kaya hindi niya naangat ito sa bibig niya.
Ayon kay Jābir bin Abdullah, malugod si Allah sa kanilang dalawa.,Buhat sa Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-Katotohanan siya ay nagsabi: ((Sinuman ang kumain ng Bawang o Sibuyas ay umiwas sa amin-o umiwas sa Masjid namin,at manatili sa bahay niya,At ibinigay sa kanya ang isang kaldero na naglalaman ng berding gulay,Natagpuan niya rito ang amoy,Nagtanong siya?Sinabi sa kanya kung ano ang mayroon sa gulay na ito,Nagsabi siya:Ilapit ninyo ito sa ibang mga kasamahan ko.Nang makita niya ito,namunghi siya na kumain rito,Nagsabi siya: Kumain ka,Sapagkat ako ay sumasangguni [ng palihim] sa sinumang hindi mo sinasanggunihan)) Ayon kay Jābir bin Abdullah, malugod si Allah sa kanilang dalawa.,Katotohanan ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan- ay nagsabi:(( Sinuman ang kumain ng Bawang at Sibuyas at [leek] katulad din ng sibuyas ,ay huwag lumapit sa Masjid namin,Sapagkat ang mga Anghel ay nasasaktan dahil sa pananakit ng mga Anak ni Adam))
Ayon kay Sahl bin Mu`ādh bin Anas, ayon sa ama niya na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ang sinumang kumain ng pagkain saka nagsabi: Alḥamdu lillāhi –lladhī aṭ`amanī hādhā, wa-razaqanīhi min ghayri ḥawlim minnī wa-lā qūwah (Ang papuri ay ukol kay Allāh na nagpakain sa akin nito at nagtustos sa akin nito nang walang kapangyarihan mula sa akin ni lakas), magpapatawad sa kanya sa nauna sa pagkakasala niya."}