- Ang kinakailangan sa mananampalataya ay na magpaibig siya sa mga tao kay Allāh at magpagusto siya sa kanila sa kabutihan.
- Nararapat sa tagapag-anyaya tungo kay Allāh na tumingin nang may karunungan sa pamamaraan ng pagpapaabot ng paanyaya ng Islām sa mga tao.
- Ang pagpapagalak ay nagbubunga ng tuwa, pag-aasikaso, at kapanatagan para sa tagapag-anyaya at para sa inaalok niya sa mga tao.
- Ang pagpapahirap ay nagbubunga ng kalayuan ng loob, pagtalikod, at pagpapaduda sa pananalita ng tagapag-anyaya.
- Ang lawak ng awa ni Allāh sa mga lingkod Niya at na Siya ay nalugod para sa kanila ng isang relihiyong maluwag at isang batas na pinadali.
- Ang pagpapadaling ipinag-uutos ay ang isinaad ng Batas ng Islām.