- Ang pagkakinakailangan ng pag-ibig ng tao sa kapatid niya ng iniibig niya para sa sarili niya dahil ang pagkakaila ng pananampalataya sa sinumang hindi umiibig para sa kapatid niya ng iniibig niya para sa sarili niya ay nagpapahiwatig ng pagkakinakailangan niyon.
- Ang kapatiran kay Allāh ay higit sa kapatiran ng kaangkanan sapagkat ang karapatan niyon ay higit na kinakailangan.
- Ang pagbabawal sa anumang sumasalungat sa pag-ibig na ito kabilang sa mga sinasabi at mga ginagawa gaya ng pandaraya, panlilibak, pagkainggit, at paglabag sa sarili ng Muslim o ari-arian niya o dangal niya.
- Ang paggamit ng ilan sa mga pananalitang nag-uudyok sa paggawa batay sa sabi ng Propeta: "para sa kapatid niya."
- Nagsabi si Al-Kirmānīy (kaawaan siya ni Allāh): Bahagi ng pananampalataya rin na mamuhi siya para sa kapatid niya ng kinamumuhian niya para sa sarili niya na kasamaan. Hindi siya bumanggit nito dahil ang pag-ibig sa anuman ay nag-oobliga ng pagkamuhi sa kabaliktaran nito kaya ang pag-iwan sa pagsasateksto nito ay may kasapatan.