Kapag kumain ang isa sa inyo, kumain siya sa pamamagitan ng kanang kamay niya; at kapag uminom siya, uminom siya sa pamamagitan ng kanang kamay niya; sapagkat tunay na ang demonyo ay kumakain sa pamamagitan ng kaliwang kamay niya at umiinom...
Ayon sa Anak ni `Umar (malugod si Allāh sa kanilang dalawa): {Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi: "Kapag kumain ang isa sa inyo, kumain siya sa pamamagitan ng kanang kamay niya; at kapag uminom siya, uminom siya sa pamamagitan ng kanang kamay niya; sapagkat tunay na ang demonyo ay kumakain sa pamamagitan ng kaliwang kamay niya at umiinom sa pamamagitan ng kaliwang kamay niya."}
Nagsalaysay nito si Imām Muslim
Ang pagpapaliwanag
Nag-uutos ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na kumain ang Muslim at uminom ito sa pamamagitan ng kanang kamay nito at sumasaway siya laban sa pagkain at pag-inom sa pamamagitan ng kaliwang kamay dahil ang demonyo ay kumakain at umiinom sa pamamagitan ng kaliwang kamay.
Hadeeth benefits
Ang pagsaway laban sa pagpapakawangis sa demonyo sa pagkain o pag-inom sa pamamagitan ng kaliwang kamay.
Share
Use the QR code to easily share the message of Islam with others