Ayon sa Anak ni Abbās (malugod si Allāh sa kanilang dalawa) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Tunay na...
Nagpapabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na si Allāh ay umiibig na isagawa ang mga pagluluwag Niya na isinabatas Niya kabilang...
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ang sinumang nagnan...
Nagpapabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na si Allāh, kapag nagnais Siya sa isa sa mga mananampalatayang lingkod Niya ng isang...
Ayon kay Abū Sa`īd Al-Khuḍrīy at ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanilang dalawa): {Ayon sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangala...
Naglilinaw ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang dumadapo sa Muslim na mga karamdaman, mga alalahanin, mga lungkot, mga dalamhati...
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Hindi natitigil ang...
Nagpapabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang pagsubok at ang pagsusulit ay hindi nakakalas sa lalaking mananampalataya o ba...
Ayon kay Suhayb bin Sinan Ar-Rumi-malugod si Allah sa kanya-Hadith na Marfu:((Nakakamangha ang gawain na isang mananampalataya;Ang lahat ng kanyang ga...
Ipinahayag ng Sugo ni Allah-sumakanya ang pagpapala at pangangalaga-Ang pagkamangha sa pamamaraan ng kabutihan dahil sa gawain ng mananampalataya.Dahi...
Ayon sa Anak ni Abbās (malugod si Allāh sa kanilang dalawa) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Tunay na si Allāh ay umiibig na isagawa ang mga pagluluwag Niya gaya ng pagkaibig Niya na isagawa ang mga paghihigpit Niya."}
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ang sinumang nagnanais si Allāh sa kanya ng isang kabutihan, magpapatama Siya [rito ng pagsubok] mula sa Kanya."}
Ayon kay Abū Sa`īd Al-Khuḍrīy at ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanilang dalawa): {Ayon sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsabi: "Walang dumadapo sa Muslim na pagkapata ni pagkakasakit ni alalahanin ni lungkot ni perhuwisyo ni hapis − kahit ang tinik na tumuturok sa kanya − malibang magtatakip-sala si Allāh sa pamamagitan ng mga ito sa mga kamalian niya."}
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Hindi natitigil ang pagsubok sa lalaking mananampalataya at babaing mananampalataya sa sarili niya, anak niya, at yaman niya, hanggang sa makitagpo siya kay Allāh habang sa kanya ay walang kasalanan."}
Ayon kay Suhayb bin Sinan Ar-Rumi-malugod si Allah sa kanya-Hadith na Marfu:((Nakakamangha ang gawain na isang mananampalataya;Ang lahat ng kanyang gawain ay may kabutihan,at hindi ito makatatagpuan maliban sa mananampalataya: Kapag dumating sa kanya ang kaligayahan,siya ay magpapasalamat [kay Allah] at ito ang mabuti para sa kanya,At kapag dumating sa kanya ang pinsala,Siya ay magtitiis,at ito ang mabuti para sa kanya))
Ayon kay Abū Mūsā Al-Ash`arīy (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Kapag nagkasakit ang tao o naglakbay siya, magtatala para sa kanya ng tulad ng dating ginagawa niya habang nananatili at malusog."}
Ayon kay Abē Hurayrah-malugod si Allah sa kanya-buhat sa Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan:((Mag-unahan kayo sa mga (mabubuting) gawain, (bago lumitaw ang mga) pagsubok na tulad ng piraso ng dilim ng gabi,uumagahina ang lalaki na mananampalataya at gagabihin na nagtatanggi,at gagabihin na mananampalataya at uumagahin na nagtatanggi,ipinagbibili niya ang Relihiyon nito sa mga maka-mundong bagay sa Mundo.))
Ayon kay Mu`āwiyah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nakarinig ako sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsasabi: "Ang sinumang nagnais si Allāh sa kanya ng isang kabutihan, magpapaunawa Siya sa kanya sa Relihiyon. Ako ay tagapaghati lamang at si Allāh ay nagbibigay. Hindi matitigil ang Kalipunang ito bilang tagapagtaguyod sa utos ni Allāh, na hindi pipinsala sa kanila ang sinumang sumalungat sa kanila, hanggang sa dumating ang utos ni Allāh."}
Ayon kay Jābir bin `Abdillāh (malugod si Allāh sa kanya): {Ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi: "Huwag kayong magpakatuto ng kaalaman upang makipagmayabang kayo nito sa mga maalam at hindi upang makipagtaltalan kayo nito sa mga hunghang. Huwag kayong mamili sa pamamagitan nito ng mga upuan sapagkat ang sinumang gumawa niyon ay ang Apoy, ang Apoy [ang papasukin]."}
Ayon kay `Uthmān (malugod si Allāh sa kanya): {Ayon sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsabi: "Ang pinakamabuti sa inyo ay ang sinumang nagpakatuto ng Qur'ān at nagturo nito."}
Ayon kay Abū `Abdurraḥmān As-Sulamīy (kaawaan siya ni Allāh) na nagsabi: "Nagsanaysay sa amin ang nagpapabigkas sa amin [ng Qur'ān] kabilang sa mga Kasamahan ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na sila noon ay bumibigkas mula sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ng sampung talata saka hindi sila kumukuha sa sampung [talatang] iba pa hanggang sa makaalam sila ng nasa mga ito na kaalaman at gawain. Nagsabi sila: Kaya nakaalam kami ng kaalaman at gawain."
Ayon kay `Abdullāh bin Mas`ūd (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan)': "Ang sinumang bumigkas ng isang titik mula sa Aklat ni Allāh ay magkakaroon siya dahil dito ng isang gawang maganda. Ang gawang maganda ay [may gantimpalang] katumbas sa sampung tulad nito. Hindi ko sinasabing ang alif lām mīm ay isang titik, bagkus ang alif ay isang titik, ang lām ay isang titik at ang mīm ay isang titik."}