- Ang paghimok sa pagpaparami ng pagbigkas ng Qur'ān.
- Ang tagabigkas, dahil sa bawat titik mula sa isang salita na binibigkas niya, ay magkakaroon ng isang gawang magandang pinag-iibayo sa katumbas sa sampung tulad nito.
- Ang lawak ng awa ni Allāh at ang pagkamapagbigay Niya yayamang pinag-ibayo Niya para sa mga lingkod ang pabuya bilang kabutihang-loob mula sa Kanya at bilang pagkamapagbigay.
- Ang kainaman ng Qur'ān higit sa iba pa rito na pananalita at ang pagpapakamananamba sa pamamagitan ng pagbigkas nito. Iyon ay dahil ito ay pananalita ni Allāh (napakataas Siya).