- Ang kadakilaan at ang kalamangan ng kaalamang pangkapahayagan, ang pagkatuto nito, at ang paghimok dito.
- Ang pagtataguyod sa katotohanan ay walang pagkaiwas sa kairalan nito sa Kalipunang ito [ng Islām]. Kapag nag-iwan nito ang isang pangkatin, magtataguyod dito ang iba roon.
- Ang pagpapakaunawa sa Relihiyon ay bahagi ng pagnanais ni Allāh (napakataas Siya) ng kabutihan sa lingkod Niya.
- Ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagbibigay lamang ayon sa utos at kalooban ni Allāh at siya ay hindi nagmamay-ari ng anuman.