Ayon kay Abū Mūsā Al-Ash`arīy, malugod si Allāh sa kanya-Hadith na Marfu:((Ang kahalintulad ng mabuting kaibigan at masamang kaibigan,ay tulad ng nagd...
Hinihikayat ng Sugo natin-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-sa Hadith na ito ang Muslim sa pangangailangan ng pagpili sa mabuting kaibigan,Sinabi...
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya): {May isang lalaking nagsabi sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Magtagubilin ka po...
Humiling ang isa sa mga Kasamahan (ang lugod ni Allāh ay sumakanila) sa Propeta (basbasan ito ni Allāh at pangalagaan) na gumabay ito sa kanya sa isan...
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya): {Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi: "Ang matipuno ay hindi sa p...
Naglilinaw ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang tunay na lakas ay hindi ang lakas ng katawan o ang nakapagbubuno sa iba sa kanya...
Ayon kay `Abdullāh bin `Amr (malugod si Allāh sa kanilang dalawa) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "M...
Nagbigay-babala ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) laban sa apat na kakanyahan; na kapag natipon ang mga ito sa isang Muslim, siya ay...
Ayon kay `Abdullāh bin Mas`ūd (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ang man...
Nagpabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na hindi bahagi ng pumapatungkol sa mananampalatayang kumpleto ang pananampalataya na i...
Ayon kay Abū Mūsā Al-Ash`arīy, malugod si Allāh sa kanya-Hadith na Marfu:((Ang kahalintulad ng mabuting kaibigan at masamang kaibigan,ay tulad ng nagdadala ng pabango,at nag-iihip ng pugon,Kaya`t ang nagdadala ng pabango;maaari ka niyang mabigyan,o maaari ka niyang mapagbibintahan,o maaaring makakakatagpo ka sa kanya ng mabangong humahalimuyak,Samantalang ang nag-iihip ng pugon;maaaring masunog nito ang iyong mga damit o maaaring makakatagpo ka ng masamang hangin))
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya): {May isang lalaking nagsabi sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Magtagubilin ka po sa akin." Nagsabi siya: "Huwag kang magalit." Kaya umulit ito nang makailan. Nagsabi siya: "Huwag kang magalit."}
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya): {Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi: "Ang matipuno ay hindi sa pagbuno; tanging ang matipuno ay ang nagpipigil ng sarili niya sa sandali ng pagkagalit."}
Ayon kay `Abdullāh bin `Amr (malugod si Allāh sa kanilang dalawa) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "May apat na ang sinumang ang mga ito ay naging nasa kanya, siya ay naging isang mapagpaimbabaw na lantay; at ang sinumang may naging nasa kanya na isang katangian mula sa mga ito, may naging nasa kanya na isang katangian mula sa isang pagpapaimbabaw hanggang sa mag-iwan siya nito: kapag nagsalita siya, nagsisinungaling siya; kapag nakipagkasunduan siya, nagtatraydor siya; kapag nangako siya, sumisira siya; kapag nakipag-alitan siya, nagsasamasamang-loob siya."}
Ayon kay `Abdullāh bin Mas`ūd (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ang mananampalataya ay hindi ang palapanirang-puri, ni ang palasumpa, ni ang mahalay, ni ang bastos."}
Ayon kay `Abdullāh bin `Umar (malugod si Allāh sa kanilang dalawa) na nagsabi: {Nakarinig ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ng isang lalaking nangangaral sa kapatid nito kaugnay sa pagkahiya, kaya naman nagsabi siya: "Ang pagkahiya ay bahagi ng pananampalataya."}
Ayon kay Al-Miqdām bin Ma`dīkarib (malugod si Allāh sa kanya), ayon sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsabi: "Kapag umibig ang tao sa kapatid niya, magpabatid siya rito na siya ay umiibig dito."
Ayon kay Jābir bin `Abdillāh (malugod si Allāh sa kanilang dalawa): {Ayon sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsabi: "Bawat nakabubuti ay kawanggawa."}
Ayon kay Abū Hurayrah, malugod si Allāh sa kanya: "Bawat kasukasuan ng mga tao ay tungkuling magbigay ng isang kawanggawa sa bawat araw na sumisikat ang araw. Ang magpakamakatarungan ka sa pagitan ng dalawang [tao] ay isang kawanggawa. Ang tumulong ka sa tao sa sasakyang hayop niya: ang buhatin mo siya sa ibabaw nito o ang iangat mo para sa kanya ang dala-dala niya ay isang kawanggawa. Ang salitang kaaya-aya ay isang kawanggawa. Sa bawat hakbang na nilalakad mo patungo sa pagdarasal ay may isang kawanggawa. Ang alisin mo sa daan ang nakapipinsala ay isang kawanggawa."
Ayon kay Abū Hurayrah, malugod si Allāh sa kanya: "Ang sinumang pumawi buhat sa isang mananampalataya ng isang pighati mula sa mga pighati sa Mundo, magpapawi si Allāh buhat sa kanya ng isang pighati mula sa mga pighati sa Araw ng Pagkabuhay. Ang sinumang nagpaginhawa sa isang nagigipit, pagiginhawahin siya ni Allāh sa Mundo at Kabilang-buhay. Ang sinumang nagtakip sa isang Muslim, pagtatakpan siya ni Allāh sa Araw ng Pagkabuhay. Si Allāh ay handa sa pagtulong sa tao hanggat ang tao ay handa sa pagtulong sa kapwa niya. Ang sinumang tumahak ng isang daan habang naghahanap dahil doon ng isang kaalaman, magpapadali si Allāh para sa kanya ng isang daan patungong Paraiso. Kapag may nagtitipon na mga tao sa isang bahay mula sa mga bahay ni Allāh, pagkataas-taas Niya, na binibigkas nila roon ang Aklat ni Allāh at nag-aaralan sila nito sa gitna nila, bababa sa kanila ang kapanatagan, babalutin sila ng awa, paliligiran sila ng mga anghel, at babanggitin sila ni Allāh sa sinumang nasa piling Niya. Ang sinumang pinabagal ng gawa niya, hindi siya pabibilisin ng kaangkanan niya."
Mula kay Abu Barzah Nadhlah Ibn Ubaid Al-aslamiy -Malugod sa kanya ang Allah-: ((Hindi makakagalaw ang dalawang paa ng isang alipin sa kabilang araw hangga't maitanong siya hinggil sa kanyang edad kung saan niya ito ginamit? at sa kanyang kaalaman kung ano ang ginawa niya dito? at sa kanyang kayamanan kung saan niya ito kinuha at kung saan niya ito ginastos? at sa kanyang pangangatawan kung papano niya ito nilustay?)).
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya): {Nagsabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ang tagapagpunyagi para sa balo at maralita ay gaya ng nakikibaka sa landas ni Allāh o nagdarasal sa gabi na nag-aayuno sa maghapon."}