- Ang kainaman ng pag-ibig na wagas para kay Allāh (napakataas Siya), hindi para sa kapakanang pangmundo.
- Ang pagsasakaibig-ibig ng pagpapabatid sa iniibig alang-alang kay Allāh hinggil sa pag-ibig sa kanya upang madagdagan ang pag-ibig at ang pagpapalagayang-loob.
- Ang pagpapalaganap ng pag-ibig sa pagitan ng mga mananampalataya ay nagpapalakas sa kapatirang pampananampalataya at nangangalaga sa lipunan laban sa pagkakalansag-lansag at pagkakahati.