- Ang pagbibigay-babala laban sa pagkagalit at mga kadahilanan nito sapagkat tunay na ito ay ang kinasalalayan ng kasamaan at ang pag-iingat laban dito ay ang kinasalalayan ng kabutihan.
- Ang pagkagalit alang-alang kay Allāh gaya ng pagkagalit sa sandali ng paglabag sa mga pinakababanal ni Allāh ay bahagi ng pagkagalit na napapupurihan.
- Ang pag-uulit-ulit ng salita sa sandali ng pangangailangan ay nang sa gayon magkamalay rito ang nakaririnig at makatalos siya sa kahalagahan nito.
- Ang kainaman ng paghiling ng tagubilin mula sa nakaaalam.