- Ang paglilinaw sa ilan sa mga palatandaan ng mapagpaimbabaw para sa pagpapangamba at pagbibigay-babala laban sa pagkasadlak sa mga ito.
- Ang tinutukoy mula sa ḥadīth ay na ang mga kakanyahang ito ay mga kakanyahan ng pagpapaimbabaw at ang tagapagtaglay ng mga ito ay kawangis ng mga mapagpaimbabaw sa mga kakanyahang ito at nagsasakaasalan ng mga kaasalan nila. Hindi dahil siya ay isang mapagpaimbabaw na nagpapakita ng pagkaanib sa Islām habang siya ay nagkukubli naman ng kawalang-pananampalataya. Sinabi na ito ay ipinatutungkol sa sinumang nananaig sa kanya ang mga kakanyahang ito, nagwalang-bahala sa mga ito, at nagmaliit sa nauukol sa mga ito sapagkat tunay na ang sinumang naging gayon, siya ay tiwali ang paniniwala kadalasan.
- Nagsabi si Al-Ghazzālīy: Ang pinag-ugatan ng relihiyon ay tatlo: ang pagsabi, ang paggawa, at ang paglayon. Tumawag-pansin ito sa katiwalian ng pagsabi sa pamamagitan ng pagsisinungaling, sa katiwalian ng paggawa sa pamamagitan ng kataksilan, at sa katiwalian ng paglayon sa pamamagitan ng paglabag dahil ang paglabag sa pangako ay hindi nasisisi malibang kapag ang determinasyon dito ay nalalakipan ng pangako. Hinggil naman sa kung sakaling siya ay naging determinado, pagkatapos may nalahad sa kanya na isang tagapigil o may lumitaw sa kanya na isang opinyon, dito ay hindi umiral mula sa kanya ang anyo ng pagpapaimbabaw.
- Ang pagpapaimbabaw (nifāq) ay dalawang uri: pagpapaimbabaw na pampaniniwala na nagpapalabas sa tagapagtaglay nito palayo sa pananampalataya, ang pagpapakita ng pagkaanib sa Islām at ang pagkukubli ng kawalang-pananampalataya; at pagpapaimbabaw na panggawain, ang pagpapakawangis sa mga mapagpaimbabaw sa mga kaasalan nila, na hindi nagpapalabas sa tagapagtaglay nito palayo sa pananampalataya, gayon pa man ito ay isang malaking kasalanan kabilang sa malalaking kasalanan.
- Nagsabi si Ibnu Ḥajar: Nagkaisa nga ang mga maalam na ang sinumang naging tagapaniwala sa pamamagitan ng puso niya at dila niya at gumawa ng mga kakanyahang ito, hindi siya hahatulan ng isang kawalang-pananampalataya at hindi siya mapagpaimbabaw na pamamalagihin sa Impiyerno.
- Nagsabi si Imām An-Nawawīy: May nagsabing isang pangkat ng mga maalam: Ang tinutukoy rito ay ang mga mapagpaimbabaw na noon ay nasa panahon ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) saka nagsanaysay sila ng pananampalataya nila at nagpasinungaling sila, pinagkatiwalaan sila sa relihiyon nila saka nagtaksil sila, at nangako sila kaugnay sa nauukol sa Relihiyon at pag-aadya rito saka sumira sila, at nagsamasamang-loob sila sa mga pakikipag-alitan nila.