- Ang paghimok sa pagtutulungan, pagpapanagutan, at pagpuno sa mga pangangailangan ng mga mahina.
- Ang pagsamba ay sumasaklaw sa bawat gawaing maayos. Bahagi ng pagsamba ang pagpupunyagi para sa balo at dukha.
- Nagsabi si Ibnu Hubayrah: Ang ninanais ipakahulugan ay na si Allāh (napakataas Siya) ay magtitipon para sa kanya ng gantimpala ng nag-aayuno, nagdarasal ng tahajjud, at nakikibaka nang sabayan. Iyon ay dahil siya ay nagtaguyod sa balo gaya ng pagtataguyod ng asawa nito at nagtaguyod sa dukhang iyon na nawalang-kakayahan sa pagtataguyod sa sarili nito sapagkat gumugol siya nito na kalabisan sa pagkain niya at nagkawanggawa ng tiyaga niya, kaya ang pagpapakinabang niya ay nakatutumbas sa pag-aayuno, pagdarasal ng tahajjud, at pakikibaka.