- Ang pumipigil sa iyo sa kabutihan ay hindi tinatawag na pagkahiya, bagkus tinatawag na pangingimi, kawalang-kakayahan, panlalambot, at karuwagan.
- Ang pagkahiya mula kay Allāh (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan) ay sa pamamagitan ng paggawa ng mga ipinag-uutos at pagwaksi ng mga ipinagbabawal.
- Ang pagkahiya sa nilikha ay sa pamamagitan ng paggalang sa kanila, paglalagay sa kanila sa mga kalagayan nila, at pag-iwas sa pumapangit sa kaugalian.