Ayon kay `Abdullāh bin `Amr (malugod si Allāh sa kanilang dalawa) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): {S...
Nagpabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na sasabihin sa tagabasa ng Qur'ān, na tagagawa ng nasaad dito, na tagapanatili rito sa...
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Nakaiibig ba ang is...
Naglilinaw ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang pabuya sa pagbigkas ng tatlong āyah sa ṣalāh ay higit na mabuti kaysa sa makat...
Ayon kay Abū Mūsā Al-Ash`arīy (malugod si Allāh sa kanya): {Ayon sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsabi: "Magpanatili kayo ng p...
Nag-utos ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ng pagpapanatili ng pagbabasa ng Qur'ān at pamamalagi sa pagbigkas nito upang hindi ito m...
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya): {Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi: "Huwag kayong gumawa sa mga...
Sumasaway ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) laban sa pag-aalis ng ṣalāh sa mga bahay kaya ang mga ito ay nagiging gaya ng mga seme...
Ayon kay Ubayy bin Ka`b (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "O Ama ni Al-Mundh...
Nagtanong ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) kay Ubayy bin Ka`b tungkol sa pinakadakilang talata sa Aklat ni Allāh kaya nag-atubili i...
Ayon kay `Abdullāh bin `Amr (malugod si Allāh sa kanilang dalawa) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): {Sasabihin sa tagatangkilik ng Qur'ān: "Bumasa ka, umakyat ka, at bumigkas ka kung paanong ikaw noon ay bumibigkas sa Mundo sapagkat tunay na ang antas mo ay nasa kahuli-hulihang talata na babasahin mo."}
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Nakaiibig ba ang isa sa inyo, kapag bumalik sa mag-anak niya, na makatagpo siya roon ng tatlong kamelyong buntis na damulag na matataba?" Nagsabi kami: "Opo." Nagsabi siya: "Tatlong talata na bumibigkas ng mga ito ang isa sa inyo sa dasal niya ay higit na mabuti kaysa sa tatlong kamelyong buntis na damulag na matataba."}
Ayon kay Abū Mūsā Al-Ash`arīy (malugod si Allāh sa kanya): {Ayon sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsabi: "Magpanatili kayo ng pagbabasa ng Qur'ān na ito sapagkat sumpa man sa Kanya na ang kaluluwa ni Muḥammad ay nasa kamay Niya, talagang ito ay higit na matindi sa pagkawala kaysa sa mga kamelyo mula sa mga gapos ng mga ito."}
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya): {Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi: "Huwag kayong gumawa sa mga bahay ninyo bilang mga libingan; tunay na ang demonyo ay lumalayo sa bahay na binibigkas doon ang Kabanatang Al-Baqarah."}
Ayon kay Ubayy bin Ka`b (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "O Ama ni Al-Mundhir, nakaaalam ka ba kung aling talata mula sa Aklat ni Allāh na nasa iyo ang higit na dakila?" Nagsabi ito: "Nagsabi ako: Si Allāh at ang Sugo Niya ay higit na maalam." Nagsabi siya: "O Ama ni Al-Mundhir, nakaaalam ka ba kung aling talata mula sa Aklat ni Allāh na nasa iyo ang higit na dakila?" Nagsabi ito: "Nagsabi ako: {Si Allāh, walang Diyos kundi Siya, ang Buháy, ang Mapagpanatili...} (Qur'ān 2:255) Kaya tumapik siya sa dibdib ko at nagsabi: "Sumpa man kay Allāh, talagang magpapaigaya sa iyo ang kaalaman, O Ama ni Al-Mundhir."}
Ayon kay Abū Mas`ūd (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ang sinumang bumigkas sa dalawang talata mula sa hulihan ng Kabanatang Al-Baqarah sa isang gabi ay makakasapat ang dalawang ito sa kanya."}
Ayon kay An-Nu`mān bin Bashīr (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nakarinig ako sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsasabi: "Ang pagdalangin ay ang pagsamba." Pagkatapos bumigkas siya (Qur'ān 40:60): {Nagsabi ang Panginoon ninyo: “Dumalangin kayo sa Akin, tutugon Ako sa inyo.” Tunay na ang mga nagmamalaki sa [pag-ayaw sa] pagsamba sa Akin ay papasok sa Impiyerno na mga nagpapakaaba.}}
Ayon kay `Ā’ishah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Ang Propeta noon (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay umaalaala kay Allāh sa lahat ng mga sandali niya.}
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya): {Ayon sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsabi: "Walang anumang higit na marangal kay Allāh (napakataas Siya) kaysa sa panalangin."}
Ayon kina `Ubādah bin Aṣ-Ṣāmit, malugod si Allāh sa kanya, at Abū Sa`īd Al-Khudrīy, malugod si Allāh sa kanya: "Walang isang Muslim sa ibabaw ng lupa na dumadalangin kay Allāh, pagkataas-taas Niya, ng isang panalangin, ibibigay sa kanya ni Allāh ito o ibabaling palayo sa kanya ang kasagwaang tulad nito hanggat hindi siya dumadalangin ng kasalan o pagputol ng ugnayan sa kaanak." Nagsabi ang isang lalaking kabilang sa mga tao: "Samakatuwid, dadalasan namin." Nagsabi siya: "Si Allāh ay higit na madalas." Sa sanaysay ayon kay Abū Sa`īd ay may karagdagan: "o mag-iipon para sa kanya ng kabayarang tulad niyon."
Ayon kay Anas (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Ang Sugo ni Allāh noon (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagpaparami ng pagsasabi ng: "Ya muqalliba –lqulūbi, thabbit qalbī `alā dīnik. (O Tagapagbagu-bago ng mga puso, patatagin Mo ang puso ko sa Relihiyon Mo.)" Kaya nagsabi ako: "O Sugo ni Allāh, sumampalataya kami sa iyo at sa inihatid mo; kaya nangangamba ka po ba para sa amin?" Nagsabi siya: "Oo; tunay na ang mga puso ay nasa pagitan ng dalawang daliri mula sa mga daliri ni Allāh, na nagbabagu-bago Siya ng mga ito kung papaano Niyang niloloob."}
Nagsabi si Abū Hurayrah, malugod si Allāh sa kanya: Ang Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ay nagsasabi noon: "Allāhumma aṣliḥ lī dīni -llādhī huwa `iṣmatu amrīy, wa aṣliḥ lī dunyāya -llatī fīha ma`āshī, wa aṣliḥ lī ākhirati -llatī ilayhā ma`ādī, wa-j`ali -lḥayāta ziyādatan lī min kulli khayr, wa-j`ali -lmawta rāḥatan lī min kulli sharr. (O Allāh, pabutihin Mo para sa akin ang pagrerelihiyon ko na siyang pananggalang sa kapakanan ko, pabutihin Mo para sa akin ang mundo ko na nasa loob nito ang kabuhayan ko, pabutihin mo sa akin ang Kabilang-buhay ko na doon ang uwian ko, gawin Mo ang buhay na karagdagan para sa akin sa bawat kabutihan, gawin Mo ang kamatayan ng kapahingahan para sa akin sa bawat kasamaan.)"