- Ang paglilinaw sa kainaman ng mga huling talata ng Kabanatang Al-Baqarah. Ang mga ito ay mula sa sabi ni Allāh (Qur'ān 2:285-286): {Sumampalataya ang Sugo sa anumang pinababa sa kanya mula sa Panginoon niya ...} hanggang sa wakas ng Kabanata.
- Ang mga huling talata ng Kabanatang Al-Baqarah ay nagtutulak palayo sa tagabigkas ng mga ito ng kasagwaan, kasamaan, at demonyo kapag binigkas ang mga ito sa gabi.
- Ang gabi ay nagsisimula sa paglubog ng araw at nagwawakas sa pagsapit ng madaling-araw.