- Ang kainaman ng pagdalangin. Ang sinumang dumalangin kay Allāh ay dumadakila sa Kanya at kumikilala sa Kanya dahil sa Siya ay Walang-pangangailangan (kaluwalhatian sa Kanya), kaya naman ang nangangailangan ay hindi dinadalanginan; dahil sa Siya ay Madinigin, kaya naman ang bingi ay hindi dinadalanginan; dahil sa Siya ay Mapagbigay, kaya naman ang maramot ay hindi dinadalanginan; dahil sa Siya ay Maawain, kaya naman ang malupit ay hindi dinadalanginan; dahil sa Siya ay Nakakakaya, kaya naman ang walang-kakayahan ay hindi dinadalanginan; dahil sa Siya ay Malapit, kaya naman ang malayo ay hindi nakaririnig; at dahil sa iba pa rito na mga katangian ng kapitaganan at karikitan na ukol kay Allāh (kaluwalhatian sa Kanya at napakataas Siya).