- Kabilang sa mga etiketa ng pagkain at pag-inom ang pagsambit ng Bismi –llāh sa simula nito.
- Ang pagtuturo sa mga bata ng mga etiketa, lalo na sa mga nasa ilalim ng pag-aaruga ng tao.
- Ang kabanayaran ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) at ang lawak ng tiyaga niya sa pagtuturo sa mga nakababata at pagdudulot ng edukasyon sa kanila.
- Kabilang sa mga etiketa ng pagkain ang pagkain mula sa malapit sa tao, malibang kapag may sarisaring putahe sapagkat maaari sa kanya na kumuha mula sa mga iyon.
- Ang pananatili ng mga Kasamahan sa etiketang itinuro sa kanila ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan). Iyon ay mahihinuha mula sa sabi ni `Umar: {Kaya hindi natigil iyon bilang [paraan ng] pagkain ko matapos niyon.}