- Ang kadalian at ang kaluwagan ng Batas ng Islām at ang pagpapakakatamtaman nito sa pagitan ng pagpapalabis at pagpapakulang.
- Kailangan sa tao na magsagawa sa utos sa abot ng kakayahan niya, nang walang pagwawalang-bahala o pagpapatindi.
- Kailangan sa tao na mamili ng mga oras ng kasiglahan sa pagsamba. Ang tatlong oras na ito, sa pagsasaalang-alang sa mga ito, ay ang pinakamaginhawang sandali ng katawan para sa pagsasamba.
- Nagsabi si Ibnu Ḥajar Al-`Asqalānīy: Para bang siya (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay kumausap sa isang manlalakbay patungo sa isang pinapakay. Ang tatlong oras na ito ay ang pinakakaaya-aya sa mga oras ng manlalakbay kaya tumawag-pansin siya rito sa mga oras ng kasiglahan nito. Ito ay dahil ang manlalakbay, kapag naglakbay sa gabi at maghapon nang magkasama, ay nanghihina at nawawalay. Kapag hinangad niya ang maglakbay sa mga oras na nagpapasigla, magbibigay-kakayahan sa kanya ang pagpapamalagi nang walang hirap.
- Nagsabi pa si Ibnu Ḥajar: Ang pahiwatig sa ḥadīth na ito ay ang paggamit ng permisong legal sapagkat tunay na ang paggamit ng pagmamatigas sa halip ng permiso ay pagpapakaselan, gaya ng sinumang nagwawaksi ng tayammum sa sandali ng kawalang-kakayahan sa paggamit ng tubig kaya nagpapahantong sa kanya ang paggamit ng tubig sa pagtamo ng pinsala.
- Nagsabi si Ibnu Al-Munīr: Sa ḥadīth na ito ay may isang tanda kabilang sa mga tanda ng pagkapropeta sapagkat nakakita nga tayo at nakakita nga ang mga tao bago natin na ang bawat nagpapakaselan sa Relihiyon ay nalalagot. Ang tinutukoy ay hindi ang pagpigil sa paghahangad ng pinakakumpleto sa pagsamba sapagkat ito ay kabilang sa mga bagay na pinapupurihan; bagkus ang pagpigil sa pagpapalabis na nauuwi sa pagkasawa o ang pagpapasobra sa pagkukusang-loob na humahantong sa pagwaksi ng pinakamainam o ang pagpapalabas sa tungkulin lampas sa oras nito gaya ng sinumang magdamag na nagdarasal sa gabi sa kabuuan nito kaya nakatulog sa oras ng ṣalāh sa madaling-araw sa konggregasyon o hanggang sa sumikat ang araw kaya nakalampas ang oras ng tungkulin.