- Ang paghimok sa pagtulad sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa pagsasakaasalan niya ng mga kaasalan ng Qur'ān.
- Ang pagbubunyi sa mga kaasalan ng Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) at na ang mga ito ay bahagi ng ilawan ng kasi (pagsisiwalat) ni Allāh.
- Ang Qur'ān ay pinagkukunan ng lahat ng mga marangal na kaasalan.
- Ang mga kaasalan sa Islām ay sumasaklaw sa Relihiyon sa kabuuan nito sa pamamagitan ng paggawa ng mga ipinag-uutos at pag-iwas sa mga sinasaway.