Na may isang lalaking nagtanong sa Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan: Aling Islam ang pinakamaubti? Nagsabi siya: Magpakain ka ng pagkain at bumati ka ng kapayapaan sa sinumang kilala mo at hindi mo kilala.
Ayon kay `Abdullāh bin `Amr Al-`Āṣṣ, malugod si Allah sa kanilang dalawa: "Na may isang lalaking nagtanong sa Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan: Aling Islam ang pinakamabuti? Nagsabi siya: Magpakain ka ng pagkain at bumati ka ng kapayapaan sa sinumang kilala mo at hindi mo kilala."
Napagkaisahan ang katumpakan
Ang pagpapaliwanag
Nagtanong ang mga Kasamahan kung aling Islam ang mabuti. Ibig sabihin: Alin sa mga kaasalan sa Islam o mga katangian ng alagad nito ang pinakamainam sa gantimpala [ni Allah] o higit na marami sa pakinabang? Sumagot ang Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan: "Magpakain ka ng pagkain at bumati ka ng kapayapaan sa sinumang kilala mo at hindi mo kilala."
Share
Use the QR code to easily share the message of Islam with others